Chapter 7

72 10 8
                                    

Nakabihis ako ngayon dahil nag-aya si Loreen na mag club. Kasama si Kian and yung buong team. Since next week pa ulit ang laban nila. Pumayag naman ako dahil wala rin naman akong gagawin.

Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag. Dati rati eh nagrereklamo pa ako na 'hindi naman ako umiinom' pero ngayon 'sige' lang ang naisagot ko. 

Malapit lang sa DIS yung bar. Posible kaya nandoon siya ngayon? Tatlong araw na kaming hindi nagkikita. 

Nakarinig ako ng busina sa labas kaya nagmadali na akong lumabas. Nagpaalam na rin ako kay Tita na late ako makakauwi. 

"Excited may makita, Ke?" pang aasar ni Loreen. 

"Sino naman makikita ko don?" pagdedeny ko kahit alam kong si Jayce ang tinutukoy niya. 

"Sige, nasa in denial stage pa tayo ngayon." natatawang sabi niya.

Hindi ko nalang siya sinagot. Naguguluhan din ako sa nararamdaman ko. Ewan ko ba mababaliw na talaga ako. 

Tatlong araw ko na rin atang iniisip yung sinabi niya ng huli kaming nagkita. Pagkatapos kasi namin mag-usap no'n ay umuwi na ako. Gusto niya pang mag stay ako ron pero tumanggi ako dahil baka nandoon ang magulang niya. Hindi pa ako ready sa meet the family.


Nakapag park na si Loreen kaya bumaba na kami. Mabilis naman kaming nakapasok dahil nasa legal age na rin naman kami. Pagkapasok ko pa lang ay amoy na amoy ko na ang usok ng sigarilyo at ang nakakabinging sound system.

Ito yung pinaka ayaw ko eh. Kumakapit kasi minsan yung amoy. Baka akalain ni Tita eh nag-gaganon ako. 

"Halika doon tayo!" hila sakin ni Loreen. 

Sinunod ko nalang siya. Naupo kami sa isang couch. Malapit lang ito sa dance floor kaya kita mo ang mga nagsasayawan. Medyo marami rin tao at puro mga babae ang mga nagsasayawan.  

"Wala pa ba sila Kian?" tanong ko. 

Nag invite si Loreen dahil manlilibre daw siya. Sa aming tatlo nila Kian siya ang pinaka magastos, ako naman ay medyo kuripot. Inaamin ko na!

"On the way na raw." sagot naman nito habang inaayos ang suot niya. Ready nang magwala sa dance floor. 

Napangiwi pa ako sa suot niyang backless khaki silk dress. Litaw pa ang cleavage ng gaga. Ako naman ay naka baggy pants lang at sleeveless cropped top with cardigan. Parang na out of place ang suot ko sa ganitong lugar dahil ang iba ay halos hubo't hubad.

Habang umiinom ng juice ay natanaw ko ang isang lalaki na lumilinga sa paligid. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Jayce iyon na tila may hinahanap. Mabilis naman akong yumuko dahil baka makita niya ako pero bigla naman siyang tinawag ni Loreen. 

"Jayce, here!" sigaw ni Loreen.

Hindi naman ako gumalaw sa pinagtataguan ko. Hindi ko na kailangan pang itanong kung bakit siya nandito. Ang akala ko ay ang grupo lang nila Kian ang inimbitahan niya.

"Nasa'n si Klea?" tanong agad nito. 
Mariin akong napapikit. Mas isiniksik ko ang sarili sa ilalim.

"Ayan nagtatago," natatawang saad nito.

Muntik na akong mapamura nang yumuko ito bigla, kita ko ang pagkunot ng noo nito.

"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong nito. 

Umalis ako sa pinagtataguan ko at awkward na ngumiti.

"A-ano? may nahulog lang." kinakabahang sagot ko. "I-ikaw bakit ka n-nandito?"

When Love Lasts Where stories live. Discover now