Prolouge

246 5 0
                                    


What is justice?


If you’re being asked right now, how will you answer it? Would you say, justice is telling the truth and paying one’s debt? Then, what if a friend, in a reasonable state of mind, let you borrow his gun and later, in a crazed state, asks for the repayment of the debt? Will you return the gun? Of course, no.


Arguments about justice wreck the minds of many people. But what really is justice? Does it have a face? How does it work? Concludingly, justice is giving a man what is due to him. But the unending question is, what is due to him? In this chaotic world, humans are the real animals. And their animalistic attitude can be seen solely on their desire. They do whatever it takes in order to fulfill their cravings. They can do good and bad things just to have it.


Humans are insatiable. People...are human animals.


And here, justice appears to be of no value.


“Thank you, Jury, for your service today. Court is adjourned.”


Attorney Trissalia Pearl Shilton stood up and shake hands with the defendant, her client for the case. The man is smiling from ear-to-ear due to happiness that he’s already acquitted from the case but she can’t reciprocate the feeling. She’s dead tired.


“Thank you so much, Attorney. You’re really a pride.”


Pride, huh?


She gave him a tight smile and was about to answer when a loud cry interrupted.


“Sinungaling! Sinungaling! Dapat ay mabulok ka sa bilangguan dahil sa ginawa mo sa anak ko! Demonyo ka!”


This scene is not new to her. Palagi itong nangyayari sa tuwing hindi nakakamit ng kabila ang hustisya na hinihiling nila. Naaawa siya sa biktima ngunit wala na siyang magagawa pa. Tapos na at ginawa niya lang kung ano ang trabaho niya.
She silently cursed nang nagtama ang tingin nila ng ina ng biktima. Nanlilisik ang mga matang nilapitan siya nito.


“Alam mong biktima ang anak ko pero hinayaan mo pa ring makalaya ang hayop na 'yan! Wala kang puso. Magaling ka nga pero sa mali ka pumapanig. Sana’y hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong ito.”


Her words left her dumbstruck. Bakit ba kapag hindi nila nakakamit ang hustisya ay ang abogado na agad ang sinisisi nila? Hindi ba pwedeng ito ang tawag ng kanilang tungkulin at gustuhin man nilang baluktutin ang lahat ay wala pa rin silang magagawa. Wala sa kanila ang desisyon. Ginawa niya lang kung ano ang dapat besides, hindi niya pwedeng tanggihan ang kasong ito.


“The mother was fierce, akala ko nga ay sasabunutan ka kanina.” Natawa si Ulysses, ang stenographer, sa kanyang sinabi. Hindi siya umimik. Wala rin naman siyang sasabihin.


“Hay, ano na kaya ang mangyayari sa babae ngayong nakalaya na ang gumahasa sa kanya?” Muli nitong puna na nagpahinto sa kanya. Humarap siya sa lalaki na tila hinihintay ang sasabihin niya. She sighed.


“I don’t care, Ulysses. Tapos na ang trabaho ko.”


That's it. Alam naman niyang sinusubukan lang ng lalaki na konsensyahin siya ngunit hindi na nito kailangang ipamukha pa sa kanya. Latang-lata na siya sa lahat. Gusto niya na lang umuwi para makapagpahinga.


Imbes na makinig sa kanya ang lalaki ay nagpatuloy lamang ito sa pagsasalita. “If only you've seen the broken face of the woman noong sinabi na ang desisyon. I pity her. Nakakaawa siya.”


Maging siya ay naaawa rin at naisin man niyang humingi ng tawad ay isa iyong kahangalan. Hindi pa rin naman tapos ang buhay ng babae. Maaari ngang nasugatan siya dulot ng masamang karanasan ngunit hindi pwedeng basta-basta na lamang siyang sumuko sa kaniyang buhay. May paglalagyan din ang lalaking gumahasa sa kanya. Naniniwala siyang ang tunay na hustisya ay wala sa court room, nasa kamay iyon ng Diyos.


“Kung bakit kasi hindi mo matanggihan ang daddy mo na tanggapin ang kaso. Subo ka lang nang subo kahit nabibilaukan ka na.”


Ang kaninang pagtitimpi niya ay parang lumang bombang bigla na lang sumabog. Inis na inis na siya sa kaingayan ng lalaki dagdag pa ang kapaguran niya at sa sinabi nito. Totoo naman na ang daddy niya ang nag-assign sa kanya ng kaso ngunit hindi niya ito maipasa sa iba. She’s chained and controlled, eversince. At kahit anong pilit niyang pagkawala  sa kadenang gumagapos sa kanya ay mas humihigpit lang ito and she fucking hates it. Her father is the rule and she no rights to disobey it.


“Naririndi ako sa 'yo, stenographer.”


Ulysses put his hands on the air. “Ito naman, hindi mabiro! Chill ka lang, attorney. Kumukulubot na 'yang mukha mo—”


“If you don't fucking stop right now, I swear I'll ruin every ounce of you,” she warned but seems ineffective when the guy laugh.


“Yes, yes, bestfriend. Sorry na po.”
Hindi niya na pinakinggan pa ang sinasabi ng lalaki dahil nagpatuloy na siya papunta sa east wing kung saan ang parking lot. She still have many things to do. Bukas ay kikitain niya na naman ang daddy niya na tumawag kanina at paniguradong may ipapagawa na naman. And even how much she wanted to refuse her dad, ayaw niya namang mag-umpisa sila sa kung paano siya ikumpara sa mga kapatid niyang lalaki. Hindi tulad ng inakala ng iba na porket bunso ay pampered na, wala iyon sa bokabularyo ng ama. Sa edad na bente-sais ay wala pa rin siyang desisyon na hindi iminumungkahi sa pamilya. She’s a dog of her own family.


Trissalia was about to step outside when she felt a tear drop from above, sandali siyang napatingala at nakumpirma ang hinala nang sunod-sunod na nagsipatakan ang ulan. Nasa kotse ang payong niya at ilang dipa pa ang layo no'n sa kanya.


“Fuck this,” she cursed under her breath and was about to step in the rain when a big hand pulled her back. Sisigawan niya sana iyon nang mabilis na tinakpan ang bibig niya ng puting panyo. Her mind starting screaming when she smells the strong foul-odor of chloroform. Natakot man ay maagap ang ginawa niyang pagpupumiglas. This chloroform trick will take only effect after two to five minutes. At wala pang dalawang minuto ang nakalipas. With her defense mechanism ay walang pagaalinlangan niyang tinuhod patalikod ang lalaki.


“Ouch! Shit!” the man behind scowled ngunit hindi siya nito binitawan. She cursed, again as she gasp for oxygen but inhaled the choloform. Stupid. Umiikot na ang paningin niya ngunit sinubukan niya ulit tuhuran ang lalaki ngunit sa kamalasang taglay, nahuli siya nito.


“You won't do it twice, lady. Now, sleep.”


It was like the abductor's voice was kind of spell as she slowly, slowly losing her consciousness but his last words left on her mind.


“I've got her, boss. Wait for us, she’s coming home.”


CODE'S ADDICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon