Chapter 23

50 3 0
                                    

Trissalia Pearl



7 years ago...



“Salia! Salia!”



Maagap na sinundan ng tingin ko ang pinaggalingan ng boses hanggang sa makita ko si Liberty na kumakaway sa 'di kalayuan. Papasok pa lang ito ng school pero ang dami na agad ng energy. I wonder how she recharge herself.



“It's too early yet you're noisy. Ni minsan ba hindi ka naiingayan sa sarili mo? tanong ko na ikinanguso niya lamang.



"Eh, ikaw? Hindi ka ba nagsasawa na ang timid-timid mo? Aba! Sa tagal nating magkaibigan, ako halos ang dumadaldal. Nagsasalita ka lang naman kapag tinatanong ka o kaya naman kapag may opinyon ka tapos ayaw mong magpatalo, duh."  Ako naman ang napaismid sa tinuran niya. Sa isip ko ay nakakapagod kasing magsalita lalo na kung wala ka namang importanteng sasabihin. I hate saying things out loud.



Sabay kaming naglakad papunta sa building namin at nakuha niya pa akong akbayan na hinayaan ko na lamang. One thing I've learned being with a clingy person is to let them cling to you or you're going to miss their clingy touches. Liberty's tailing me since first year college. Nakilala ko ito nang maging mag-seatmate kami sa kurso naming BS Accountancy. And until now that we're third year, she still clings to me. Nasanay na rin naman na ako.



“May year-end party ang sophomores at senior sa December 14. Sasama naman tayo, hindi ba?" nangunot ang noo ko sa tanong niya.



"Why would you include me in your decision? Hindi ba't dapat ikaw mismo ang mag-decide kung gusto mong sumama or hindi?You can go if you want." muli itong napanguso kaya mahina kong pinitik ang labi niya. I could see guys oogling with the sight of her. This girl is way pretty, I should protect her at least.



“Masakit 'yun, Salia, ah! Akala mo hindi ako nasasaktan sa 'yo! Tama ka na,” kunwaring nagtatampong bulyaw niya ngunit hindi ko ito pinansin. “December 15 is your birthday. Isabay na natin sa year-end party,” pangungumbinsi niyang muli.



Do I have to remind her that I don't celebrate birthdays? Ni kung hindi niya nga ipaalala sa akin ay talagang hindi ko rin maaalala ang araw ng kapanganakan ko.



“Please, Salia. Just this time, let's blow a candle for you...”



I stared at her. Liberty is a nice and pretty girl. She's vibrant and ebullient but being happy is not for me.



Yes, I smile. Only when necessary.



I laugh but always fake.



I can't be happy because I still find no reason to feel happy.



But maybe, maybe one day I'll be able to feel those feelings genuinely.



“Guys are looking at you. I hate their stares, fucking annoying." pangiiba ko sa usapan. Nanlaki naman ang mata nito nang sundan ang itinuturo ko. Impit niyang tinakpan ang bibig niya at tsaka humarap sa akin, animo'y tinatalikuran ang inginuso kong kalalakihan kanina. Namumula ang mukha niya at halatang may pinipigil.



“Shit! Shit! Sigurado kang sa atin nakatingin sina Isaiah?" muli akong lumingon sa may bandang benches kung saan nakaupo ang limang lalaki na parehong nakatingin sa gawi namin. Ngunit isang tao lang ang nakakuha ng atensyon ko.



“The guy with ocean eyes? Who is that?” I asked away. He's white as snow but his eyes defines him more. Pareho kaming nagkatitigan ngunit ako na ang kusang umiwas. I don't like how my heart thumps just by the sight of him. Strange.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CODE'S ADDICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon