Chapter 1

10.6K 157 39
                                    

HEAVEN ASTRID LOZANO










"What the fuck?! Why would you give me a woman for a bodyguard, Kuya?! "

Natigilan ako sa pagkatok sana sa pinto ng opisina ni Boss Avo dahil sa narinig. That voice came from his brother Uno Alegre.

"Si Dos at Tres parehong lalaki ang bodyguard tapos sa akin babae?! Seriously, Kuya you're being unfair to me!. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga kaibigan ko?" maktol nito kay Boss Avo.

"She's the only agent available right now, Uno. " narinig ko ang mahinahong boses ni Boss Avo.

"Kahit na! Ayoko ng babae, isipin ko pa lang ang itsura niya kinikilabutan na ako!"

My forehead creased. Ano bang problema ng lalaking ito?

"Isipin ko pa lang na namumutok siya sa muscles parang babangungutin na ako, Kuya! " dagdag pa nito.

What the hell?! Ako namumutok sa muscles?

"What the fuck are you talking about?!" boses iyon ni Boss Avo. Ang kaninang mahinahon ay nagiging iritado na.

"Di ba si Elma ang ibibigay mo sa akin?" Tukoy nito kay Elma na isa ring agent at may malaking katawan. Para siyang isang wrestler dahil sa mga muscles niya.

"Sabi ni Dos si Elma daw ang isa sa pinagpilian niya. " anito. "Bakit sila may pinagpilian, bakit ako wala?!"

"Wala na nga kasi akong ibang agent, lahat sila may kanya kanya ng misyon. Ang tigas kasi ng ulo mo, kung hindi ka pa muntik mamatay hindi ka pa papayag na magkabodyguard!"

"Kung tinanggap mo si Alfonso dati edi sana lalaki ang bodyguard mo!" dagdag pa nito.

"Pero ayoko kay Elma!"Maktol nito.

"Sino ba ang may sabing si Elma ang ibibigay ko? Nasa Dubai si Elma ngayon, gago!" napangiwi ako ng marinig ang pagmumura ni Boss Avo.

Ibig sabihin non, nagsisimula na siyang magalit.

Huminga ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses.

"Come in."

Pumasok ako sa loob ng opisina ni Boss Avo.

"Good morning, Boss. " bati ko sa kanya na tanging tango lang ang sinagot sa akin. Itinuro niya ang upuan sa tapat ni Uno Alegre kaya naupo ako duon.

I shifted my gazed to his brother. Tumaas ang kilay ko nang makita na para siyang naengkanto habang nakatingin sa akin. Natauhan lang nang binato ni Boss Avo ng lukot na papel.

"She's Agent Heaven Lozano. She will be your bodyguard, kapag may available ng lalaki papalit--"

"No need!" putol ni Uno Alegre kay Boss Avo. "Okay na pala sa akin ang babae. " anito na ngumisi pa sa kapatid.

"Okay, papalitan siya ni Elma--"

"Hell no! Ayoko nga kay Elma, Kuya! " tutol nito at tumingin sa akin.

"Hi! " he greeted me and offered his hand. "Im Uno, 'the handsomest Alegre'.

Ngumuso siya nang hindi ko siya pinansin. Tumingin ako kay Boss Avo. "Pansamantala lang ito diba?" Paninigurado ko.

Boss Avo nodded.

"Yes, kapag nakabalik na si Blake siya na ang magiging bodyguard ni Uno. " sagot nito.

"Teka, bakit pansamantala lang? " kunot noong tanong ni Uno.

"Heaven is part of Addie's team. Pinakiusapan ko lang si Addie para mahiram siya. " sagot ni Boss Avo. "Hindi pang bodyguard si Heaven, she's one of CUBE's best agents. "

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon