Chapter 5

5K 121 25
                                    

HEAVEN






Buong maghapon na akong naghihintay sa pagbaba ni Sir Uno pero hindi pa rin siya bumababa simula pa kaninang umaga.

Ang sabi ni Ate Pilar ay masama daw ang mood. Ni hindi nga daw ginagalaw ang dinadala niyang pagkain.

Mas lalo tuloy akong nakonsensya, alam kong ako ang dahilan kung bakit galit siya. Ang tanga ko naman kasi, inakusahan ko agad siya.

Pero pinangunahan na kasi ako ng takot kaya nagawa ko iyon.

"Mukhang walang planong bumaba si Sir. Kung kakausapin mo sadyain mo na sa kwarto. " ani Ate Pilar nang makita ako sa sala.

I sighed. Mukhang tama siya. Mabuti nang sadyain ko siya, ako naman ang may kasalanan.

"Heaven... " tawag ni Ate Pilar sa akin nang magsimula akong umakyat sa hagdan.

"Sunggaban mo kaagad!" Aniya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Ate!"

Humagikgik siya. "Sunggaban mo agad ng usap. Kayo talaga masyadong ano... " iling nito at tumalikod na patungo sa kusina.

Nagbuga ako ng marahas na hininga. Si Ate Pilar talaga, nakakaloka kapag nagsalita.

Pinagpapawisan ako ng malamig habang nakatayo sa labas ng kwarto ni Sir Uno. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o aalis na lang.

Mas kinakabahan pa ako ngayon kaysa kapag nasa field ako at may misyon.

Kakatok ako pero kapag hindi niya binuksan aalis na ako.

Pikit mata akong kumatok ng tatlong beses. Yung kaba ko aabot yata hanggang Mars. Pang out of this world.

"What are you doing here?"

Nagmulat ako ng mata nang marinig ko ang malamig niyang boses. Sumalubong sa akin ang malalamig din niyang mga mata.

Naninibago tuloy ako.

"C-Can we talk?" tanong ko. "G-Gusto ko lang--"

"Ayoko. " malamig niyang putol sa sinasabi ko.

My heart aches, parang pinipiga ang puso ko dahil sa kalamigan niya.

"Magpapahinga na ako. " aniya at akmang isasara ang pinto ng pigilin ko iyon dahilan para mahagip ang kamay ko.

"Aray!" daing ko at agad naramdaman ang kirot sa kaliwang kamay ko na naipit.

Halos maiyak ako sa sakit non.

"Oh fuck! " mura ni Sir Uno at agad akong nilapitan.

Iwinawagwag ko ang kamay ko sa pag-aakalang matatanggal non ang kirot na nararamdaman ko.

Kinuha ni Sir Uno ang kamay ko at tiningnan iyon. Napangiwi ako nang makita ang mga daliri ko na namumula.

Sana naman walang nadurog na buto. Kailangan ko ang mga iyon dahil ako ang sniper sa grupo.

"Aww... " daing ko nang haplusin niya ang mga daliri ko.

"Damn it! Bakit mo kasi iniharang yang kamay mo?!" iritado niyang saad kaya kumirot ang puso ko.

Nasaktan na nga ako, sesermunan pa!

Nanggilid ang luha sa mga mata ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil duon. Nag-iwas ako ng tingin.

Nagiging mahina na naman ako.

Hinila niya ako papasok sa kwarto niya. He's room is really huge, lalaking lalaki pa ang itsura at ang amoy.

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon