Chapter 10

4.4K 101 8
                                    

Trigger Warning: May contain sensitive topics. Read at your own risk.

HEAVEN










"Heaven, he's Arturo, simula ngayon dito na siya titira sa atin. " pakilala ni Mama sa isang lalaki na siguro ay kasing edad o mas matanda sa kanya ng ilang taon.

The man smiled at me and i find it creepy. Hindi ko gusto ang ngiting iyon. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa ngiting iyon.

"You can call me Tito Arturo, Heaven. " aniya at halos kilabutan ako sa pagkakabigkas niya sa pangalan ko.

Inilahad niya ang kamay sa harap ko pero hindi ko iyon tinanggap.

I was fifteen years old that time. Nang dumating siya sa buhay namin ni Mama duon na rin dumating ang bangungot ko.

Hindi ko siya gusto, sinabi ko iyon kay Mama pero parang wala lang sa kanya ang opinyon ko. Parang wala lang sa kanya ang lahat, si Arturo lang ang mahalaga.

Paano ko naman siyang magugustuhan, nakakatakot siya. Natatakot ako sa tuwing titingnan niya ako, sa tuwing ngingiti siya na parang may ibang kahulugan.

Seventeen ako nung mas naging grabe ang takot na nararamdaman ko sa kanya. Ilang beses ko siyang nakitang nagsasarili habang tinatawag niya ang pangalan ko.

Sobra sobrang takot at pandidiri ang naramdaman ko non. Diring diri ako kasi pati ako dinadamay niya sa kababuyan niya.

Sinabi ko iyon kay Mama pero wala pa rin.

"Heaven, please lang. Hindi ganyan si Arturo, mabait siya. Try to know him para makita mong tama ako. " ani Mama.

"Pero Mama--"

"Enough with this talk, Heaven. "

Ayaw talaga akong pakinggan ni Mama. Bulag na siya sa pagmamahal sa Arturo na iyon.

"Heaven, nakikinig ka ba sa akin? " tanong ni Sabrina.

Humikab ako at kinusot ang mga mata ko. "S-Sorry, Ano nga iyon?"

Nakita ko ang pag-irap niya pero hindi ko na pinansin iyon. May ugali lang talaga minsan tong si Sabrina.

"Sabi ko pahiram ako ng notes mo para makapagreview ako. Ang gulo nung sa akin eh! "

"Wala akong notes, hindi ako nakapagsulat. Nakatulog ako. " sabi ko.

"What?! Baka naman ayaw mo lang akong pahiramin?!" iritado niyang tanong.

Umiling ako at pinakita sa kanya ang notebook ko. "Wala talaga, Sab. "

"Miss Lozano! Natutulog ka na naman! Bakit pumapasok ka pa kung matutulog ka lang naman dito?! "

Sa eskwelahan ako natutulog. Binabaliktad ko ang takbo ng araw. Sa umaga ako natutulog habang gising naman ako sa gabi.

"Ano bang probema mo, Heaven?" tanong ni Sabrina. "Ang antukin mo lately. "

"Sab, pakiramdam ko hindi ako ligtas sa bahay namin. " sabi ko.

"What? Ano bang pinagsasasabi mo? Napapraning ka na yata!" Aniya at iniwan ako.

Nagbuntong hininga ako.

Wala akong mapagsabihan ng problema ko. Walang ni isang gustong makinig sa akin.

Halos mabitiwan ko ang hawak kong baso ng tubig nang makita ang pagpasok ni Arturo sa kusina.

Malisyoso niya akong pinasadahan ng tingin.  Dinilaan niya ang labi bago ngumisi.

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon