Chapter 13

4.7K 101 5
                                    

HEAVEN










"Uno, kapag ako nabwiset mo tatadyakan talaga kita! " banta ko kay Uno na kanina pa nanggugulo sa pinanonood ko.

"Love naman! " maktol niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang ko.

Ang loko kasi nakahiga sa sofa at nakaunan sa hita ko. Kanina ko pa siya binabawal pero ayaw umalis.

"Uno, dalawang linggo kang hindi nakapasok kaya kung ako sayo tumayo ka na diyan at gawin mo yung tambak mong trabaho. "

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang trabahuhin ko?"

Mula sa pinanonood ko sa cellphone ay agad kong inilipat sa kanya ang tingin ko. I glared at him.

"Eh kung ikaw kaya ang trabahuhin ko?" inis kong saad pero ang loko ngumisi pa.

"Ayos lang sa akin, love." Aniya at igilaw-galaw pa ang kilay niya.

"Saan ba? Try natin dito sa office?" dagdag pa niya.

"Sure! " ngisi ko at talagang namulagat siya. "Dito na lang kita tatrabahuhin...tatrabahuhing bugbugin! Puro kamanyakan yang nasa utak mo! " gigil kong saad at sinabunutan niya.

"Aww! Love masakit!" ngiwi niya.

"Masasaktan ka talaga sa akin Uno! Puro ka kalokohan! "

"Hala! Love, hindi na ako masasaktan, hindi na ako virgin! " saad niya na ikinatigil ko.

My teeth gritted in annoyance. "At talagang pinagmamalaki mo pa, Alegre? " malamig at delikado kong saad.

His electric blue eyes widened. Nakita ko pang napalunok siya. "Fuck!." bulong niya.

"H-hindi naman, love. J-Joke lang...past na yun. " alanganin niyang wika.

"Gusto mo bang putulin ko yan?! " tanong ko na ikinagulat niya.

"H'wag naman, love. Paano tayo magkakababy kung--"

"Alegre!" gigil kong sigaw.

Bigla siyang tumayo at dali-daling bumalik sa lamesa niya.

"S-Sabi ko nga magtatarabaho na ako eh!" Aniya at ngumiti sa akin. "I love you, love"

Napailing na lang ako at ibinalik ang atensyon ko sa pinanonood. Napakakulit talaga!

Bandang hapon nang dumating si Dos kasama si Nero.

"Hi Heaven!" nakangiting bati sa akin ni Dos.

"Hi." Bati ko rin na ikinabusangot ni Uno.

"Dun ka muna sa table ko. " bulong ni Uno sa akin.

Tumango ako at pupunta na sana sa table niya nang magsalita si Nero.

"K-kayo pa rin pala?" tanong niya.

"Fucking yes! Hindi naman kami naghiwalay! " pa-angil na sagot ni Uno.

I held his hand and gently squeezed it. Ang bilis mabeast-mode ng isang to.

"Let's stop this chit-chat and let's proceed to business, may pupuntahan pa ako. " singit ni Dos sa dalawang halos magpatayan na sa sama ng tingin sa isa't-isa.

"Calm down. " bulong ko kay Uno bago ako lumakad patungo sa table niya.

Sa buong meeting nila kunsumidong-kunsumido si Dos dahil parang nagpepersonalan na ang dalawa. Bawat salita nila ay parang patama sa isa't isa.

"Eight months to one year ang aabutin ng construction ng resort sa Batangas. " ani Dos sa dalawa pero parang hindi nakikinig ang mga ito.

"Payo lang Tolentino, " ani Uno sa madiin at seryosong boses. "Kung gusto mong makaalis dito sa opisina ko na kasama ang mga mata mo mabuti pang tigilan mo ang pagtingin sa girlfriend ko!. "

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon