Chapter 22

5.1K 111 6
                                    

HEAVEN












Nagising ako dahil parang hinahalukay ang kaloob-looban ng tiyan ko. Agad akong bumaba ng kama at tumakbo sa banyo para sumuka.

Ilang araw na akong ganito, laging nagigising dahil sa pagsusuka.

Ito na yata yung tinatawag nilang morning sickness.

Ilang sandali pa ng pagsusuka ko ay naramdaman ko na ang pagsunod ni Uno sa akin. Marahan niyang hinagod ang likod ko gamit ang maniit niyang palad..

Nang matapos ako sa pagsuka ay  binuhat niya ako sa may sink at binigyan ng tubig.

Habang nagmumumog ako ay nakatingin lang siya sa akin na may pag-aalala sa mga mata.

"Bakit?" tanong ko.

Hinaplos niya ang tiyan ko. "Normal pa ba yan? I mean...ilang araw ka ng ganyan, love.    Gusto mong magpacheck-up tayo? "

Napatawa naman ako dahil mukhang inatake na naman siya ng pagiging OA.

"Normal lang to, Uno. Don't worry too much, hmm? " malambing kong saad at hinaplos ang pisngi niya.

Ngumuso siya. "Parang ayoko na tuloy ituloy yung plano kong sampu. "

Napanganga ako. Seryoso ba talaga siya duon?

"Uno, grabe naman yung sampu! " singhap ko at pinisil siya sa pisngi.

Tumawa siya at mabilis akong hinalikan sa labi.

"Let's date. " aniya.

"Saan naman? " tanong ko.

Linggo kasi ngayon at wala siyang pasok sa opisina.

"Basta. Magde-date tayo buong araw, love!" he grinned.

Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay agad na rin kaming umalis. Kasama namin si Blake na siya na rin naming naging driver.

"Heaven, ipapadala na lang daw sayo ni Boss yung mga gamit mo. " ani Blake habang nasa byahe kami.

Mula sa pagkakahilig sa balikat ko ay umayos ng upo si Uno at kunot nuong tinanong si Blake.

"Gamit? Anong gamit?" kuryoso nitong tanong.

Bigla namang naubo si Blake. "H-Hindi pa niya alam?. " tanong nito at sumulyap gamot ang salamin.

Umiling ako.

"Pasensya na, akala ko nasabi mo na. " paumanhin nito sa akin.

"Ayos lang. " ngiti ko.

Naguguluhang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Uno.

"Ano ang hindi ko pa alam? " tanong niya.

Ngumuso ako at yumakap sa baywang niya.

"I'm a jobless person, now. Tinanggal na ako sa CUBE. Hindi na ako agent. " wika ko.

His eyes widened and his mouth parted.

"T-Totoo? " hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango ako, biglang lumaki ang ngisi niya. "YES!"

Kinurot ko ang tagiliran niya. "Masaya ka pa na wala na akong trabaho!"

"Of course!" Sagot niya. "Your job is a dangerous one. Hindi ko yata kakayanin kung magiging agent ka pa rin lalo na't buntis ka. "

Niyakap niya ako at hinalikan sa nuo. "Pero bakit ka tinanggal? "

I sighed. "Kasalanan mo! " sabi ko na ikinalaki ng mata niya.

"Bakit ako?! Kahit gusto kitang ipatanggal kay Kuya hindi ko ginawa kasi alam kong magagalit ka,  kaya bakit ako?!"

"Tss, loko ka. " irap ko. "Binuntis mo kaya ako!. "

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon