Chapter 18

5.3K 109 34
                                    

UNO













"Thank you. " nakangiting wika ni Evie nang bigyan ko siya ng tubig.

"I think you should follow your girlfriend, Uno. " wika ni Kuya Zace sa akin.

"Yeah, hindi yung kung sinu-sino ang inaasikaso mo. " segunda naman ni Ziro habang naiiling.

Kanina ko pa gustong sundan si Heaven para magpaliwanag at humingi ng tawad pero ayaw akong paalisin ni Evie.

Panay ang daing niya na masakit ang tiyan.

"Uno, please stay. " pigil niya sa akin nang akmang tatayo ako.

"Miss, nakita mo naman sigurong may hindi pagkakaunawaan si Uno at Heaven. Baka naman pwedeng h'wag ka namang demanding na parang obligasyon ka ni Uno." Mataray na saad ni Zafie.

Nagsimula na namang umiyak si Evie.

"Sige na Uno, sundan mo na si Heaven ako nang bahala kay Evie. " tinapik ni Dos ang balikat ko.

Tumayo na ako pero agad ding tumayo si Evie para pigilan ako.

"Uno, h'wag mo akong iwan! Aawayin nila ako pag-alis mo!" anito.

"Oh my god! Solar, pigilan mo ako at baka magkasala ako at mahambalos ko ang makapal na mukha nito!. " ani Zafie.

"Go. " wika ni Solar na ikinailing ko.

"Guys stop it. " saway ko sa kanila.

"Sino ba talaga ang girlfriend mo, Uno? " tanong ni Dashiel.

"Of course si Heaven! " naiinis kong sagot sa walang kwentang tanong ni Dashiel.

"Talaga? Bakit nasa ibang babae ka? Ano sa tingin mo ang nararamdaman ni Heaven ngayon?.
" tanong muli ni Dashiel.

Kinuyom ko ang kamao ko. Inalis ko ang kamay ni Evie na nakahawak sa akin.

"I need to follo--"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang may kamaong tumama sa mukha ko.

Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas non. Pinunasan ko ang bibig ko at nakitang may dugo duon.

"What the fuck is your problem, woman?! " galit kong tanong kay Luna na sumuntok sa akin.

"Ikaw ang problema ko!" sigaw niya at kinuwelyuhan ako

Kung hindi lang ito babae kanina ko pa ito binalikan ng suntok.

"Luna! " inilayo siya ni Tres sa akin.

Bumaling siya kay Evie at akmang susugurin nang iharang ko ang sarili ko. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin.

"Bakit mo ba pinagtatanggol ang babaeng yan! Hoy lalake, si Heaven ang girlfriend mo! " galit niyang sigaw.

"Sa halip na si Heaven ang panigan mo mas pinili mo itong malanding to! " dagdag pa niya at itinuro si Evie.

"Hindi ko siya pinili! " inis kong saad. "She's pregnant! Okay?!  Nag-aalala lang ako para sa bata!"

Natahimik silang lahat.

"Ikaw ba ang ama?" tanong ni Kuya Zace.

"Of course not! " sigaw ko.

"Eh gago ka palang lalaki ka!" sigaw ni Luna at muli akong sinuntok.

Putangna! Nakakadalawa na sa akin ang babaeng ito!

"Hindi naman pala ikaw ang ama pero kung ipagtanggol mo siya wagas!" sigaw nito.

"Ayoko lang na masaktan siya at baka may mangyari sa bata!" sigaw ko pabalik.

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon