Chapter 25

5.4K 103 2
                                    

HEAVEN













"Let's go home?" marahang bulong sa akin ni Uno nang kami na lang ang maiwan sa sementeryo matapos ang libing.

Marahan niyang pinunasan ang mga luha ko. Ma, Pa, this is the man i will spend my whole life with. H'wag po kayong mag-alala, i am in good hands.

Magkatabi na ngayon si Mama at Papa, magkasama na ulit sila at sana masaya sila kung nasaan man sila ngayon.

Nilingon ko si Uno at ngumiti. He snaked his arm on my waist as we walk towards his car.

Pinagbuksan kami ng pinto ni Blake. Marahan kong isinandal ang ulo ko sa balikat ni Uno.

Napapikit ako nang maramdaman ang paghalik niya sa ulo ko. It's giving me so much comfort.

Mama saved me. Ako dapat ang babarilin ni Sabrina nang maagaw niya ang baril mula sa isang pulis pero itinulak ako ni Mama kaya siya ang natamaan.

Sobra sobra ang pasasalamat ko kay Mama. Siya ang nagbigay ng buhay sa akin at siya rin ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon at kasama si Uno.

Hindi ko akalain na saglit lang kaming magkakasama.

Si Sabrina at Arturo naman ay pareho ng nakakulong. Tres make sure na sa kulungan na sila mabubulok at hindi na makakalabas pa.

Lalo na't napatunayan na lulong sila sa pinagbabawal na gamot.

Tuloy pa rin ang kasal namin ni Uno at sa makalawa na iyon. Gusto sanang ipostponed muna ni Ma'am Ronnie ang kasal dahil nag-aalala siya para sa kalagayan ko pero tumutol si Uno. Sinabi ko na rin naman na ayos lang ako at isa pa nakahanda na ang lahat.

Medyo natrauma din kasi ako dahil sa nangyari. Madalas kong mapanaginipan ang mga ginawa nila sa akin. Naging magugulatin din ako, simpleng ingay lang natatakot na ako.

Wala namang naging problema sa baby namin. Bahagya lang akong dinugo pero ayos naman siya ayon sa doktor. My angel is a fighter.

"Magpahinga ka muna, love. " wika ni Uno nang makapasok kami sa loob ng kwarto namin. "Late ka na natulog kagabi. "

I smiled at him. "I'll just change first. "

Sabay na kaming nagpalit ng damit ni Uno. Nang matapos ay sinamahan niya ako sa kama.

Nakayakap ako sa kanya habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"Uno..."

"Mmm? " he hummed.

"Thank you. " i muttered.

"Para saan naman, love? " he asked.

"For saving me and our baby. Salamat kasi hindi mo kami pinabayaan. "

Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa nuo ko. Nagtagal iyon duon ng ilang sandali.

"It's nothing, love. Kulang pa iyon para sa lahat ng kagaguhan ko. " aniya.

I opened my eyes to meet his blue ones.

"But for me it's a big thing. Uno. Kung hindi dahil sayo, sa inyo, hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin ng anak natin. Baka...baka--"

Uno cut me off by kissing my lips.

"Kalimutan na natin ang nangyari. Ayoko nang maalala ang mga kademonyohan ng dalawang iyon. Hindi na rin naman nila tayo magugulo dahil mabubulok na sila sa kulungan. "

I nodded. Mabuti na nga rin siguro iyon. Kalimutan ang lahat ng masasakit at masasamang alaala at magsimula ng panibago.

"Let's forget everything and start anew, love. " he whispered softly before claiming my lips again.



Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon