Chapter 9

4.6K 106 21
                                    

HEAVEN










"Ay mukhang bad mood na naman si Sir ah?" komento ni Ate Pilar nang batiin niya si Uno pero nagdire-diretso lang ito patungo sa second floor ng penthouse niya.

I heaved a deep sigh.

Nang umalis kanina sila Sir Dos ay ganyan na siya. Sinubukan ko siyang kausapin pero umiwas siya.

"Magpapahinga na ako, Ate. " paalam ko kay Ate Pilar.

"Alam mo Heaven, ang problema mas maaayos kapag pinag-uusapan. " ani Ate Pilar.

"Sinubukan ko naman siyang kausapin pero ayaw niya Ate. " sabi ko.

"Ilang beses mo bang sinubukan?" tanong niya kaya natigilan ako.

"Isa. " wala sa sariling sagot ko.

Marahang tumawa si Ate. "Nagpapakipot lang yun. Hindi lang naman babae ang marunong magpakipot. "

"Kulang lang sa ano si Sir kaya anuhin mo na!" aniya at agad na nanlaki ang mga mata ko.

Humagikgik si Ate Pilar. "Sa lambing ang ibig kong sabihin. Kulang sa lambing si Sir kaya lambingin mo na! " aniya pero may nakakalokong ngiti.

"Lambingin mo habang kinakausap mo para mawala ang galit. "

Naligo muna ako at nagpalit ng damit bago nagtungo sa second floor kung saan naroon ang kwarto ni Uno.

May dala akong ice cream at isang kutsara.

Huminga ako ng malalim at kumatok.

Kung tutuusin ay wala naman akong dapat na ipaliwanag dahil wala naman kaming relasyon.

Pero may malaking parte sa akin na nagtutulak para kausapin ko siya at magpaliwa ng tungkol kay Nero.

Sana lang kausapin na niya ako ngayon.

"Hey..." Bati ko sa kanya nang buksan niya ang pinto.

Kinakabahan ako pero nilakasan ko na ang loob ko.

"May...may dala akong ice cream. Share tayo? " sabi ko.

Walang salitang niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto.

Mukhang kaliligo pa lang niya dahil basa pa ang buhok niya.

Kinakabahan akong umupo sa itim na sofa na nasa kwarto niya. Nilingon niya ako at agad na kumunot ang nuo niya.

"Why are you sitting there?" tanong niya sa malamig na boses.

Agad akong napatayo kasabay ng paglunok ko.

Bawal bang maupo dito sa sofa? Upuan to diba?. Saan ako mauupo, sa sahig? O baka wala siyang planong paupuin ako.

"S-Sorry...akala ko pwedeng maupo. "

My brows furrowed when he pointed his bed.

"Sit there. I want to eat ice cream on my bed. " aniya na mas nagpakaba sa akin.

Huminga ako nang malalim at nagtungo sa malaki niyang kama. Sumampa ako duon at naupo.

Sumunod naman siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"Subuan mo ako. " utos niya kaya kinuha ko ang kutsara at sinubuan siya ng ice cream.

Susubuan ko sana siya ulit nang maramdaman ko ang marahan niyang pagyakap sa baywang ko.

"Do you still have feelings for him? " tanong niya na halos ibulong na.

Ang isusubo ko sana sa kanya ay ako na ang kumain.

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon