Chapter 17

5K 102 13
                                    

HEAVEN











Nakilala ko na ang mga kamag-anak ni Uno. Ang iba sa kanila ay may mga pamilya na. Lahat naman sila ay mababait, yun nga lang mapang-asar ang mga lalaki.

Kanina pa nila inaasar si Uno na pikon na pikon naman.

"Seriously Uno? Katanghaliang tapat?! " tawa ni Dashiel.

"Dash! Bitin na bitin nga yung mukha nung binuksan yung pinto eh! " si Zaki naman.

"Mga gago! " sigaw ni Uno sa dalawa na pareho lang humagalpak sa tawa.

"Naku! Baka kapag kayo ang nagka-girlfriend baka hindi lang katanghaliang tapat!" komento ni Cali sa dalawang alaskador.

Ngumiwi ang dalawa at umarteng nasusuka. Binato ni Zace si Dashiel.

"Bakit Cali, gawain niyo din ba ni Kuya Zace?" Natatawang tanong ni Zaki sa sister-in-law niya.

Napahawak si Cali sa may kalakihan niyang tiyan at nagtaas ng kilay.

"Hindi pa ba halata?! Kaya nga may pakwan na naman eh!" sigaw ni Addie.

Nagtawanan ang mga naroon.

"Naku! Makatawa tong mga to! Hoy! For sure gawain niyo rin yon!" Namumulang sigaw ni Cali at lumapit sa asawa niyang nakangisi lang.

"Asar talo naman si buntis!" pang-aasar ni Zafie kay Cali.

"Pustahan si Ziro mga apat na beses yan sa isang araw!" nakangising wika ni Dos.

Tinapunan siya ng masamang tingin ni Ziro. Sa kanilang lahat parang siya ang pinakamasungit.

Yung iba naman kasi ay mukha ring masungit pero iba ang isang ito. Parang masanggi mo lang bubuga na ng apoy.

"Uy pareho silang tahimik... " panunukso ni Tres sa dalawa.

Pulang pula na ang mukha ng asawa ni Ziro.  She's very pretty and shy. Parang hindi marunong magalit.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan! " ngisi ni Zaki.

"GUILTY!" sabay sabay nilang panunukso.

"Fuck you! " iritadong sigaw ni Ziro habang nakatakip ang mga kamay sa tenga ng anak.

"Grabe kayo! May mga bata dito oh! " ani Solar na kasama ang mga bata na tinawanan lang nila.

"Hindi yan, busy naman sa paglalaro! " tawa ni Zaki.

"Si Alis kaya?" Nakangising baling ni Dos sa isa pang pinsan na tahimik lang sa tabi ng asawa nito na napakaganda.

"Naku! Kapag tahimik siguradong matinik!"   Komento ni Uno na yumakap sa baywang ko.

Nagtawanan ang lahat ng itaas lang nito ang middle finger niya. Kinurot siya ng asawa kaya agad niyang ibinaba iyon at humalik sa pisngi nito.

"Alistair, respeto naman daw sa mga naiinggit!" nakangising komento ni Kuya Zace.

Umarteng mga nasusuka ang mga single pa nilang pinsan.

"Eh si Attorney ba?. " kapag kuwan ay si Tres naman ang napagdiskitahan ni Dashiel.

"Ay yan ang siguradong oras oras!" Komento ni Zaki. "Kay Tres ako pupusta, siguradong pag-ihi lang ang pahinga niyan!"

"Mga gago! " sigaw ni Tres.

"Yeah. " nanlaki ang mga mata namin nang balewalang sumagot si Luna. Uminom pa ito ng buko juice.

"T-Talaga oras oras?" tanong ni Zafie.

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon