Chapter 23

4.7K 75 7
                                    

HEAVEN











"Hey, okay ka lang?" tanong ko kay Uno na nakaupo na sa sahig dahil sa sobrang pagod.

"O-Okay pa, love. Sisiw lang to. " humihingal niyang saad at bahagyang ngumiti.

Inabutan ko siya ng tubig bago binalingan si Kuya Heron na nakade-kwatro at painom inom lang ng juice.

Last week dumating si Kuya Heron, dito na siya pinatuloy ni Uno sa bahay namin kaysa naman daw kumuha pa ng hotel. Kasama niya si Fuji na kanang kamay niya.

"Kuya, baka naman masobrahan si Uno sa training na pinapagawa mo. " sabi ko.

"Tss, he should learn how to fight. Hindi na lang ang sarili niya ang dapat niyang protektahan kundi pati ikaw na rin at ang magiging pamangkin ko. " sagot nito at tinaasan ng kilay si Uno.

"Pero Kuya--"

"He's right, love. Gusto ko rin namang matuto. " pigil sa akin ni Uno.

"See? Don't worry too much, princess, he'll be fine. " wika ni Kuya Heron.

"Next week na ang kasal namin. Baka naman puro bangas ang abutin nito. " nguso ko.

Muling umangat ang kilay ni Kuya Heron. "Don't worry, sinabihan ko si Fuji na h'wag patamaan ang mukha. "

Napairap ako at binalingan si Uno.

"Sigurado ka bang kaya mo pa? Baka hindi ka na umabot sa kasal natin niyan? " tanong ko kay Uno.

"Don't worry, love. Ayos lang talaga ako, hindi ka pa mabubyuda. " ngisi niya.

Puro kalokohan talaga!

Naiiling akong pumasok sa loob ng bahay. Sa labas kasi sila nagtetraining para daw sariwa ang hangin.

Napakunot ang nuo ko nang makita si Pilar at Blake na nagbubulungan sa isang gilid ng kusina.

Madalas kong mapansin ang dalawang ito na parang may sariling mundo. Naghihinala na tuloy ako na baka may something sa kanila.

"Ehem! " kunwaring ubo ko at nakita ko ang mabilis nilang paglayo sa isa't isa.

"Oh! H-Heaven! " gulat na bati sa akin ni Ate Pilar. Habang si Blake naman ay napakamot sa batok.

Ngumisi ako. "Anong meron? Close na close na yata kayo? "

Tumawa si Ate Pilar at hinampas si Blake.

"Ito kasing si Blake kulang sa ano kaya inaano ko lang!" ani Ate Pilar.

Ako naman ay biglang nanlaki ang mga mata dahil hindi pa rin siya nagbabago sa mga ano niya.

"Hoy! Grabe yang mukha mo. Kulang si Blake sa payo kaya pinapayuhan ko!. " ngisi ni Ate Pilar.

"Payo?" tanong ko.

"A-Ayaw kasi sa akin nung anak niya. Kaya nanghihingi ako ng payo kung paano ko mapapaamo. " sagot ni Blake.

My mouth parted. Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa kanila dalawa.

"B-Bakit naman...i mean...oh my gosh! Kayo ba?!"

Nagkamot ng ulo si Blake at tumango. Si Ate Pilar naman ay humagikgik.

"Bakit ngayon ko lang nalaman?! " gulat kong tanong.

"Ngayon ka lang naman kasi nagtanong. " nguso ni Ate Pilar. "Alam ni Sir Uno to. "

Alam ni Uno? Lokong yon ah! Bakit hindi man lang sinabi sa akin?




Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon