Chapter 16

4.7K 98 8
                                    

HEAVEN










"Selos?" tanong ni Addie sabay tabi sa akin.

Nasa isang beach resort kami sa Palawan dahil dito gaganapin ang kasal ni Kuya Ascott.

"Hindi. " maikling sagot ko na ikinatawa niya.

"Tss, hindi daw. Eh parang gusto mo na nga silang pagbabarilin eh! "

Umirap ako at iniiwas na ang paningin kila Uno at duon sa babaeng Evie ang pangalan.

Anak daw ng kaibigan ni Sir Lantis yang si Evie. Simula ng dumating kami dito sa Palawan halos ayaw na niyang lumayo kay Uno.

Parang linta lang na dikit ng dikit!

"Maldita yang si Evie. Never ko ngang nakasundo yan!. Ang arte arte!"

Kinalabit ako ni Addie at inginuso ang direksyon ng dalawa.

Nagsalubong ang kilay ko nang yumakap sa baywang ni Uno yung Evie na iyon. Dikit na dikit ang katawan niya kay Uno na parang sinasadya talaga.

"Pucha! Dinidikit kay Kuya yung mga papaya niya oh! " wika pa ni Addie na nagpa-init sa ulo ko.

Papaya? Tss, mukha namang peke!

Nakita ko na bahagya siyang itinulak ni Uno pero muli lang siyang yumakap.

"Hoy! Kumilos kilos ka naman! " siniko ako ni Addie.

Bago pa man ako makatayo ay tinawag na kami ni Ma'am Ronnie dahil kakain na daw ng tanghalian.

Agad akong hinanap ng mga mata ni Uno. Nakita ko na lalapit sana siya sa akin pero natigilan nang hinila siya ni Evie.

"Walanjo! Epal talaga! " komento ni Addie na hinila ako palapit sa kanila.

"Love, " kumawala si Uno sa pagkakahawak ni Evie at sinalubong ako.

Humalik siya ng mabilis sa labi ko. "Let's eat?"

Tumango na lang ako bilang sagot. Nakita ko ang pag-irap sa akin ni Evie.

Tusukin ko kaya ang mata nito? Tutal ang pangit naman eh!

Magkatabi kami ni Uno at nasa harap naman namin si Addie at Speed. Napairap ako sa hangin nang tumabi sa kabilang bahagi ni Uno si Evie.

"Patabi! " maarte siyang umupo at inayos pa ang suot na dress.

Tumabi naman sa akin ang babaeng kasama ni Tres.

Tahimik lang ako habang kumakain. Panay naman ang sipa ni Addie sa akin dahil walang tigil sa pangungulit kay Uno si Evie.

"Open your mouth na kasi!" pangungulit nito kay Uno habang may isinusubo.

"Evie, thank you but i can eat alone. " medyo inis na ang boses ni Uno.

"This one lang, please?"

Uminit na talaga ang ulo ko nang ibuka ni Uno ang bibig niya para tanggapin ang isinusubo ni Evie.

"See? It's delicious, right?. " Evie said, giggling.

Kinuha ko ang baso ko at uminom. Alam kong pinanonood ako ng mga kasama namin. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin nila sa akin.

Ibinaba ko ang baso pero hindi ko maialis duon ang kamay ko.

Nanggigigil ako!

I gripped my glass tighter. Nabubwiset na talaga ako sa ginagawa ng babaeng to.

"If i were you, yung mukha niya ang babasagin ko at hindi yang baso. " napatingin ako sa katabi ko nang magsalita siya.

Narinig ko rin ang pag-ubo ni Tres.

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon