Chapter 12

4.7K 98 8
                                    

Warning: MATURED CONTENT!!!.
May contain sensitive topics, matured scenes, strong languages and vulgar words. Read at your own risk.






HEAVEN






"Ang sabi ng doktor pwede ka na daw lumabas mamaya. " sabi ni Ma'am Ronnie kay Uno na kumakain ng ubas.

"Mabuti naman, bored na bored na ako dito. Gusto ko nang makasama si Heaven at makabawi." Ani Uno.

Nanliliit ang mga matang nilingon ako ni Ma'am Ronnie. "H'wag kang papauto sa isang to Heaven, pahirapan mo. "

"Nanay!." angal ni Uno.

Natawa ako, parehong pareho sila ni Addie. Kung ano ang ugali ni Ma'am Ronnie ganun din si Addie, minsan malala pa nga eh.

"Oh bakit? Dapat talaga sayo pinapahirapan! Ang jujudgemental niyo! Naku! Kung hindi ko lang kayo anak ibinaon ko na kayo sa lupa na ulo lang ang litaw! " angil ni Ma'am Ronnie.

Napanguso ako habang nakikinig sa kanila.

"Nay, si Heaven nga pinatawad na ako tapos ikaw hindi pa rin makaget-over. " nguso ni Uno. "Enough with that, please, babawi nga ako eh. Pinagsisisihan ko na iyon. "

"Siguraduhin mo lang Uno, the next time na saktan mo at paiyakin si Heaven ako mismo ang sasapak sayo. " ani Ma'am Ronnie na pinakita pa ang kamao kay Uno.

Naramdaman ko ang kaseryosohan sa bawat salitang sinabi niya.

Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Magsabi ka lang sa akin, anak. Akong bahala sa isang to. "

May mainit na humaplos sa puso ko at hindi ko napigilang mapaiyak. Nagulat sila duon.

Anak...

"Heaven... " nag-aalalang tawag sa akin ni Uno.

"Sabi na nga ba't pinapaiyak mo si Heaven eh! " sigaw ni Ma'am Ronnie at binatukan si Uno.

Pinunasan ko ang mga luha ko. "H-Hindi po." Iling ko at ngumiti ng mapait. "N-Ngayon ko lang po kasi ulit narinig ang salitang iyan...ngayon lang po may tumawag ulit sa akin ng anak."

"Nay! Ikaw pala ang nagpaiyak eh! " singhap ni Uno.

Lumapit sa akin si Ma'am Ronnie at niyakap ako. Naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko at talagang gumaan ang pakiramdam ko duon.

Wala sa sariling napayakap ako pabalik.

"From now on ikaw na ang anak ko at hindi na si Uno. " aniya na ikinatawa ko ng mahina.

"Ayos lang sa akin Nanay, magiging asawa ko naman si Heaven kaya magiging anak mo ulit ako. " mayabang na saad ni Uno na ikinalaglag ng panga ko.

Humiwalay sa akin si Ma'am Ronnie at namaywang sa harap ni Uno.

"At sinong may sabing papayag akong pakasalan mo si Heaven ko?! " itinuro niya si Uno na biglang nanlaki ang mga mata.

"Hoy Uno, ni makatapak sa bahay hindi mo magagawa! Kaya hindi kita magiging anak! Ipapakasal ko si Heaven kay Park Solomon o kay Song Kang! "

"Nay, isusumbong kita kay Tatay kung sino sinong alien na naman ang sinasabi mo. " ani Uno.

Natawa ako nang lumapit sa kanya si Ma'am Ronnie at piningot ang tenga niya na ikinasigaw ni Uno.

"Isusumbong ha?! Pwes bago ka pa makapagsumbong sa tatay mong seloso pa sa seloso ibabaon na kita! "

"Heaven, salamat sa pagpapatawad sa anak ko ha? " ani Ma'am Ronnie nang sinamahan ko siya para bayaran ang hospital bills ni Uno.

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon