Chapter 8

4.7K 105 7
                                    

HEAVEN








"SUMUSOBRA NA SILA!" galit na sigaw ni Sir Lantis at hinampas ang lamesang nasa harap.

Nasa study room ang buong pamilya, kasama ako, si Speed at sina Lyon at Winston.

May nagpadala ng kahon sa bawat isa sa kanila. Ang mga kahong iyon ay may lamang isang parte ng katawan ng tao.

Nang makatanggap ng tawag mula kay Boss Avo ay hindi na pinabuksan sa akin ni Uno ang kahong para sa kanya.

Pumunta kami dito dahil kailangan daw pag-usapan ang nakakaalarmang sitwasyon na ito.

Kanina pa sila nag-uusap at halos lahat sila ay seryoso.

"Kailangan ng mahuli kung sino man ang gagong nasa likod nito. " seryosong saad ni Ma'am Ronnie.

"Yeah, baka sa susunod parte na ng katawan ng isa sa atin ang nasa loob ng mga kahong yun. " segunda naman ni Sir Athran.

"Avo, make this CUBE's top priority. " ani Ma'am Ronnie. "Kaligtasan ng pamilya natin ang nakasalalay dito. "

"Yes, Nanay. " sagot ni Boss Avo.

"Actually, may lead na ako kung sino ang nasa likod nito. " balita ni Boss Avo.

"Sino? " tanong ni Sir Lantis.

"Isang Severino Cheng. Pangalan lang ang nakuha ko, masyado siyang mailap at mahirap hanapan ng impormasyon. Mukhang malakas ang kapit kaya matapang."

"We need to find more informations about that Cheng. Kung siya nga ang nasa likod nito, he needs to fucking pay. " ani Sir Lantis.

"Severino Cheng? " napatingin kami kay Speed. "I heard that name before, nabanggit siya ni Darco nang pinaamin namin tungkol sa illegal transactions na kinasangkutan niya. "

"Oo nga! " ani Addie. "Kaya pala pamilyar! "

Huminga ako ng malalim.

"I'll ask for Kuya Heron's help. " sabi ko dahilan para sa akin mapunta ang atensyon nila.

"Kung may kinalaman sa illegal transactions ang Severino Cheng na iyan for sure matutulungan ako ni Kuya Heron na makahanap ng impormasyon. "

"Tss, dapat diyan sa Heron na iyan ikinukulong!. Ang dami niyang illegal na gawain!. " ismid ni Boss Avo.

Tumawa si Addie.

"Grabe ka naman Kuya, parang hindi pinsan ni Heaven si Heron ah!. Isa pa, ilang beses na ba siyang nakatulong sa CUBE? Sa pagkakatanda ko, sumalo pa siya ng bala para sayo. " ani Addie na ikinailing ni Boss Avo.

"Bestie kayo diba? " dagdag pa ni Addie na lalong ikinasama ng mukha ni Boss Avo.

"Kung hihingi ka ng tulong kay Heron just make sure na h'wag mong babanggitin ang pangalan ko. Lalaki na naman ang ulo non. " bilin ni Boss Avo sa akin.

"Yes Boss!"




"May pinsan ka pala sa Japan? " ani Uno nang maupo sa tabi ko.

Dito na kami pinatutulog Ma'am Ronnie, kahit sila Speed ay dito na rin magpapalipas ng gabi.

At ngayon nga ay nag-iinuman silang mga lalaki. Si Addie naman ay kanina pa lumalangoy sa pool habang ako ay nakaupo lang sa gilid at nakasawsaw ang mga paa sa tubig.

Tumango ako. "Oo. "

"But is it true that he do illegal business?" muli niyang tanong.

"Yes, " pag-amin ko. "Kuya Heron may do illegal business but he's a kind and a nice cousin to me. Siya lang ang meron ako nung mga panahong wala akong mapuntahan. "

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon