Chapter 4

4.9K 113 5
                                    

HEAVEN










"Musta maging bodyguard ng ulupong kong kapatid? " nakangising tanong ni Addie nang pumasok ako sa training room.

"Stressful. " sagot ko na ikinahagalpak niya ng tawa.

"Hindi ka ba nilalandi?. Knowing my Kuya, mahilig sa magaganda at sexy yon. "

Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang isang beer at inimom iyon.

"Naku! Natahimik ka!. Nilalandi ka noh!" Ngumisi siya. "Payo lang, pahirapan mo!"

"Wala akong balak patulan ang kapatid mo, Addie. " sabi ko na ikinanguso niya.

"Sayang naman, boto pa naman ako sayong maging sister in law ko. "

My forehead creased. "Baliw to. Sa dami ng naikwento mo tungkol sa mga iyon sa tingin mo ba magugustuhan ko ang kapatid mo? "

Addie gasped. "Hala siya! Natakot ka sa mga kwento ko? "

Umirap ako. "Hindi, hindi lang talaga ako interesado. "

"Sus! Don't tell me hindi ka pa nakakamove on sa ex mo? "

Tiningnan ko siya ng masama na ikinangisi lang niya.

"I already moved on!" inis kong singhal.

"Oh e bakit galit ka?!"  Nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Eh kasi ang kulit mo! Ang kukulit ninyo! Manang mana ka kay Uno na sobrang kulit!" Bulalas ko.

"Wow! Mukhang pinepeste ka talaga ng kapatid ko para sumabog ka ng ganyan." Aniya. "What happened to the cool and calm, Heaven Astrid Lozano?"

Hindi ma ako kumibo at muling nagbukas ng beer.

"Wala bang mas matapang dito? " inis kong saad matapos lagukin ang lahat ng laman ng hawak kong lata ng beer.

"Ay gusto ko yan! Let's buy some hard liquor. Yung sobrang tapang! Para kaya kang ipagpalaban!" ngisi ni Addie.

"Daig niyo pa ang mga lassengo sa kanto. " napatingin kami kay Speed na kararating lang.

Lumapit ito sa akin at pinitik ang nuo ko bago naupo sa tabi ni Addie.

"Bodyguard ka ni Uno pero nandito ka at iniwan mo ang dapat na binabantayan mo. You're being irresponsible, Heaven. " sermon nito.

"Baka pwedeng ikaw muna ang magbantay?  Kahit ngayon lang Speed, gusto ko lang mag-unwind kasi stress na stress na ako! "

Kumunot ang nuo niya.

"Seriously? Ano bang ginawa sayo ni Uno at naisstress ka?" tanong niya.

"The only fucking plan in my mind right now is to woo you and make you my woman, Love. "

Ipinilig ko ang ulo at muling kumuha ng beer. Nag-eecho na naman sa utak ko ang mga salitang iyon na walang ginawa kundi ang guluhin ang sistema ko.

Hindi dapat ako mahulog sa kanya. Masasaktan lang ako kapag nagkataon. At ayokong masaktan na naman ng dahil lang sa isang lalaki.

"Fine!" wika ni Speed. "Pero ngayong araw lang, Heaven. " anito na ikinatuwa ko.

"Thanks, Speed!"

"I'm only doing this para hindi ka mapagalitan ni Boss. " aniya at nilingon si Addie na malaki ang ngisi. "H'wag kayong magpapakalasing, parehas kayong sakit sa ulo!. " anito bago umalis.

Agad kaming bumili ng mg alak at pulutan ni Addie. Sa traning room na kami pumwesto ng inuman.

"Tagay pa! " ngisi niya at muling sinalinan ang baso ko.

Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon