Lumuwag ang pakiramdam ko pagkatapos ng gathering. Nagsialisan na rin ang mga tao at kami nalang ang nandito nanatili. Nanatili pa rin ako sa kinaupuan ko kanina habang nagpupunas ng luha. Nandito pa rin ang 'Worship Team' na narinig ko kanina kay ate AZ at tumulong sa pagligpit at pag-ayos ng mga upuan at lamesa. Tumayo na ako upang tumulong na sa kanila. Nakakahiya naman kasi kung sila ang magligpit samantalang ako naman ang nagtratrabaho dito. Napanguso nalang ako sa naisip ko pero nauwi rin sa ngiti. Para na akong baliw.
"Koeri, won't you come with us?" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang mahina ngunit masiglang boses ni ate Shia. Kunot ang noong lumingon ako sa kanya. Ngumiti siya ng malawak at dahan-dahang lumapit sa'kin.
"Ha?Saan-"
"Wait, parang may hindi ako alam dito." sumunod na lumapit sina ate AZ at Zel. Nagdududa niya kaming tinignan dalawa ni ate Shia. Binalingan ko ng tingin si ate Shia ng maramdaman ang pag-angkla niya sa braso ko. Kumindat siya sa'kin bago hinarap si ate AZ. Kunot pa rin ang noo ko na nakatingin sa kanila. I'm still clueless, you know.
"Saan ba ang punta niyo?" nakapameywang na tanong ni aye AZ habang nakataas-baba ang kilay.
Nagkatinginan si ate Shia at Zel at bahagyang tumawa sa isa't-isa. They both glance and wink at me. Napailing nalang ako sa kanila. Pumasok sa isip ko 'yong sinabi ni Zel kanina kaya napangisi ako.
"Basta. Wanna come?"
"Sure!Basta ba masaya!"
"Alright then. Ikaw Koeri?Hindi ka pa sumagot," kumindat sa'kin si ate Shia na para bang pinaparating niya na mag-go-with-the-flow ka nalang . Napailing na lamang ako bago sumagot, "Alright, I'll come."
"It's settle then. So, let's go?" lumawak ang ngiti nila habang ako ay napailing lang. Agad na tinawag nina ate Shia ang kasamahan nila at sinenyasang lalabas na.
"Let's go!" they chanted at pinuntahan sina Sir Eshton at Ma'am Mahli. Tumango naman sila at sinaraduhan na ang café bago kami nagtungo sa kotsa nila. Doon daw kami sasabay sa van na dala nila Sir Eshton. Nagsimula na tuloy akong magtaka kung bakit sobrang close nila sa isa't-isa at bakit doon pa kami sa kanila sasakay. Maybe, they're also their church mates.
Tinanong ko muna sa kanila kung malapit lang ba. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil medyo malapit lang daw ang destinasyon. Nagtanong rin ako kung matagalan ba and glady hindi naman 'daw' masyado. I hope not dahil may klase pa ako kinabukasan. Ay-hindi lang pala ako, pati na rin si Zel at maybe na rin sa iba nilang ka-church mate.
Tuluyan na kaming nakalabas sa coffee shop at hinila nila akong tatlo sa van. Nahihiya kasi talaga ako. Napakamot nalang ako ng ulo at hiyang-hiya na pumasok sa loob. Nandun na ang tatlong kasamahan nila pati na rin si Nash. Nang makita nila ako ay nginitian nila ako kaya ngumiti din ako pabalik. Nakatungo lang ako hanggang sa pumasok sina ate AZ, ate Shia at si Zel hanggang sa sumulong na ang sasakyan.
"Huwag kang kabahan, K. Hindi naman siguro magagalit ang parents mo?" I heard ate AZ's voice on my side.
Natigilan ako bigla.
"Ay oo nga pala!Nakapagpaalam ka na ba?" sunod na tanong ni ate Shia.
Hindi ako kumibo at tumango nalang habang nakatungo.
Magagalit ang parents ko?Nah ah. They didn't even care about me anymore.
Napatawa nalang ako ng mapakla sa isipan ko. Hay buhay.
*****
"Welcome home ate AZ!" malakas na sigaw ng mga kasamahan nila ate Shia pagkarating talaga nila sa bahay. Bahay ito nila Sir Eshton at Ma'am Mahli. Hindi naman siya sobrang laki, sakto lang. Pero mapansin mo talagang mayaman ang nakatira dahil sa mga kagamitan.
YOU ARE READING
Let Go and Let God
General FictionPATHWAYS OF FAITH SERIES #1 Her life is in a total mess since she was a kid. Her life always been upsidedown. Her almost light world became darkness. **** Because of a sudden accident happened years ago, Koeri began to blame and hate herself, even G...