Hawak-hawak ang kamay na hinila ako ni Jhaeriz papasok. Nanatili ako sa posisyon ko at hindi sumunod sa kanila. Kunot-noong lumingon siya sa'kin at nang makita ang ekspresyon ko sa mukha ay napabuntong-hininga siya at lumapit sa'kin.
"Don't worry, nandito naman kami. At tsaka wala namang masama kung magtry 'diba?" malumanay nitong sabi at marahang pinisil ang kamay ko.
I sigh as I look up.
"Sigurado ba talaga kayo?" kabado kong tanong. Mahina siyang tumatango-tango at lumingon. Pansin kong wala na ang dalawa sa kinatatayuan nila kanina. Muli niyang binalik ang tingin sa'kin at hinila ang kamay ko.
"Sandali lang 'to ah?May klase pa kasi ako." sabi ko kaagad nang magsimula na kaming maglakad papasok. Pansin ko ang pagtango niya kahit nakatalikod kaya napabuntong hininga ako at napatianod lang sa kanya. Well, lunch break namin ngayon at biglang nagtext si Jhaeriz na magkita daw kami. And since we have 1 hour vacant, pumayag ako. And here I am.
Muli akong napabuntong-hininga at pinatuloy ang paglalakad.
Dr. Elijah Waller
'Yan ang nakalagay na plate sa may pinto na hinintuan namin. Napabaling ako kay Jaijai at kumunot ang noo. Elijah Waller?Could it be...
Mabilis na binawi ko ang tingin kay Jhaeriz. She knock the door twice and upon hearing a response, she slowly open the door. Inaya niya ako papasok at mabilis na pinulupot ang kamay sa'king braso. A neat and simple office welcomed me. Hindi siya ganoong kalaki at may mesa sa gitna kung saan nakapatong ang rectangular na plate na may nakasulat na,
Dr. Elijah Jesher Waller
PsychologistNangunot ang noo ko bago binaling sa ibang direksyon ang aking tingin. Sa bandang kaliwa ay may malaking sofa na magkatapat at sa gitna nito ang round glass coffee table. Nakaupo sa kabilang bahagi ng sofa ang dalawang binata habang nakatalikod naman sa gawi namin ang isang lalake na nakaputi. Base on his back appearance, parang si kuya Elijah ito, 'yong kapatid ni ate Shia.
At hindi nga ako nagkamali nang lumingon siya at nakita ko ang buo niyang mukha. I noticed he smiled Jhaeriz and when his eyes darted on me, his brow slowly creased and stood up.
"Kuya," tango ko dito at bagagyang ngumiti. Lumapit ito sa'min at tumango. "Or should I call you, Doctor?" biro ko at mahina naman siyang tumawa.
"Nah. Hindi ko gusto ng sobrang formal, Koeri." iling niyang sabi at nilahad ang kamay patungo roon sa sofa. Naglakad naman kami patungo roon. "Have a seat." anyaya at maingat naman kaming umupo.
Pansin ko ang pabalik-balik na tingin ni Jaijai sa'ming dalawa ni kuya Elijah. Pagkatapos ay bumaling naman siya sa kapatid na nakataas ang kilay, para bang nagtatanong. Pero nagkibit balikat lang ang binata at tumingin kay Ashi.
"Are you, guys, fooling me around?Hindi na ako natutuwa!" aniya at bumaling naman sa'kin tapos kay Ashi pero tumawa lang ang binata sa kaniya. "Magkakilala na kayo ni kuya?I mean..naalala mo na siya?Saan?Kailan?At paano?" sunod-sunod niyang tanong.
Sandaling kumunot ang noo ni kuya Elijah. "What do you mean by that?" nahihimigan ko ang pagkalito sa boses nito. Napakagat ako sa labi at sumulyap kay Jaijai.
"What I mean is–"
"You mean...siya 'yong childhood friend na sinasabi niyo?" kunot-noong tanong niya. Napatango-tango naman ang dalawang lalake at tumingin sa'kin. "Siya rin 'yong pinsan niyong naglayas?" baling naman nito kay Jabez. Nanlaki ang mga mata ko at mahinang napasinghap nang marealize ang sinabi ni kuya.
"Waht the heck?Bakit niyo sina–"
"At kailan ka pa natutong magmura?" mabilis na putol ni Jaja sa sasabihin ko sana. Tumayo naman sa harapan ko si Jaijai na nakapameywang at nakataas ang kilay. "Tigilan mo na 'yang pagmumura mo kundi puputulin ko 'yang dila mo. Kebabaeng tao, nagmumura." masungit niyang sabi. Napasimangot ako sa sinabi niya. Kung hindi lang talaga sila mas matanda sa'kin ng dalawang taon, siguradong sinipa ko na 'to. Well, I respect them naman.
YOU ARE READING
Let Go and Let God
General FictionPATHWAYS OF FAITH SERIES #1 Her life is in a total mess since she was a kid. Her life always been upsidedown. Her almost light world became darkness. **** Because of a sudden accident happened years ago, Koeri began to blame and hate herself, even G...