"Wait, where are we going?" I ask in wonder while they're grabbing me. Lumingon sila sa'kin at kumindat bago nagpatuloy sa paghila sa'kin. Umiling nalang ako at nagpatianod sa kanila. Nang huminto sila ay napahinto nalang rin ako. Pa'no ba naman kasi, silang dalawa ang nakahawak sa tig-isa kong braso na wari bang siniguro nilang hindi ako makakatakas.
Ginala ko ang tingin sa paligid. Nandito na pala kami sa waiting area. Wala pang limang minuto ay may dumaan na taxi at pinara nila ito. Pumasok kami roon habang nakahawak pa rin sa'kin. Napailing-iling lang ako at tinuon ang pansin sa labas. Saan kaya kami pupunta?
Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang welcome celebration ni ate AZ at sobrang nawindang talaga ako. Akalain mo nga naman, 'yong nataponan ko pala ng coffee...er..na aksidente lang, ay anak pala sa owner ng pinagtrabahoan ko. Sobra akong nahiya nung time na 'yon at hindi na ako makatingin sa kanila. Panay pa ang paghingi ko ng sorry. Pero siya?tinawanan lang ako at tinapik sa balikat sabay sabing, 'Ano ka ba, okay lang 'yon!'
Simula nung gabing 'yon, palagi ko na siyang nakita dun sa coffee shop at pinasali nila ako minsan sa bible study nila sa bahay nina sir Eshton. At sumali naman ako tutal malapit lang naman ang apartment ko dun. Doon sila palaging nagbible study sa bahay nina sir at ma'am at palagi ring nandun sina Nashon, Ashton(syempre dahil sa kanila 'yon), Shahani at Shawn. Bawat miyerkules ng gabi ang bible study.
So far, so good. But not now, dahil iba ang pakiramdam ko sa mga ora na 'to. Tumambol ng malakas ang puso nang lumiko ang taxi pakanan. Pigil ang hiningang tumingin ako sa unahan. Oh no..it can't be. Hindi pa ako ready...
Tumingin ako sa labas at pinakalma ang sarili pero lalo lamang akong nakaramdam ng nerbyos nang pumara sina ate Shia sa harap mismo ng isang black at gold na gate. Bumaba sila kaya nanginginig na sumunod ako sa kanila. Nang tuluyan na kaming nakalabas ay umalis na ang taxi. I took a deep breath before facing infront of the house.
It's been what?Almost a month na pala akong nawala sa pamamahay na 'to. At ngayon lang ako nakabalik. I'm not yet ready to face them right at this moment kaya mabuti pang umalis ako. But the thing is, paano nila nalaman ang bahay na'to?It could be...kaibigan ba sila ni ate?
"Okay ka lang ba, Koeri?" binalingan ko ng tingin si ate Shia at tipid na ngumiti. Bumuntong hininga aki at umiling.
"Kailangan ko na pong umalis ate AZ at ate Shia. May puntahan pa kasi ako e. Pasensya na talaga. Next time nalang po," kita kong lumungkot ang mukha nilang dalawa pero nginitian ko lang sila. Hinarap ko sila at yumakap bago sila tuluyang tinalikuran. Nang may dumaang taxi ay agad ko itong pinara at sumakay. Hindi na ako nag-abala pang lumingong muli hanggang sa umandar na ang sasakyan.
"Saan po kayo ma'am?" ani ng driver at tumingin sa rear mirror.
"Sa Hussey-key Apartment lang po kuya," I answered and leaned on the back of the seat as I close my eyes.
Lord God, alam niyo po ang nararamdaman ko ngayon at sa tingin ko ay hindi ito ang tamang pagkakataon na magakakita kami. All I ask Lord is that, give me signs, guide me always and keep me strong....
A Z E N I T H
Tuluyan ng umalis si Koeri. At hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot. Iwinaksi ko nalang 'yon sa isipan ko at muling ipinaskil ang ngiti sa'king labi. Binalingan ko ng tingin si Les at tsaka siya tinanguan. Sabay kaming humarap sa gate at pinindot niya ang doorbell. Wala pang ilang segundo ay bumukas na ito at tumambad sa harapan namin si Rein.
YOU ARE READING
Let Go and Let God
General FictionPATHWAYS OF FAITH SERIES #1 Her life is in a total mess since she was a kid. Her life always been upsidedown. Her almost light world became darkness. **** Because of a sudden accident happened years ago, Koeri began to blame and hate herself, even G...