"Magkakilala kayo?!" gulat at taka kong bulalas. Sabay silang tumango na may malawak na ngiti sa labi. Kumunot lalo ang noo ko at seryoso silang tinignan. "Paano?"
"It's a long story Riri," nakangiting tugon ni Jeush. Naningkit ang mata ko dahil sa tinawag niya sa'kin. Akmang magsasalita na sana ako para magtanong nang biglang lumitaw sa tabi nila si Jaja. Nagulat pa nga siya ng makita ako pero kalaunan ay ngumiti naman siya sa'kin. Sinimangutan ko lang ang binata at inismiran.
"Hintayin pa ba natin siya?" tanong ni Jeush tsaka binaba si Kezhi. Humawak naman ito sa isang kamay ko samantalang ang isa ay nakahawak kay Jeush. Hinila niya ako papalapit sa kanila kaya ang nangyare ay napagitnaan namin siya. Napabuntong-hininga na lamang ako bago muling tinuon ang tingin kila Jaja na nag-uusap.
"No. Sabi niya una nalang daw tayo. Susunod na lang daw siya," ani ni Jaja habang nakatingin sa phone. Gusto ko sanang magtanong kung sino pero tinikom ko nalang ang bibig.
"Ikaw lang mag-isa?" baling ng binata sa'kin. Walang imik na tumango nalang ako. "So, sasama ka sa'min?" dagdag pa niya na may masiglang boses. Inirapan ko lang siya at umismid.
"No, hindi ak-"
"Oo. Sasama siya!" sabay na sagot ni Jeush at Zizi. Naningkit ang mata ko sa kanilang dalawa at sinamaan ng tingin si Zizi. Humagikhik lamang siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Tumango-tango siya na may malaking ngiti sa labi na para bang sinabi niyang, 'Sasama ka na tita'.
Bumuntong-hininga ako at tumingin kina Jaja. "Fine. Sasama na ako." sabi ko nalang bilang pagsuko. Tumalon-talon si Zizi pagkasabi ko nun at walang pabala akong hinila pati na rin si Jeush. Si Jaja naman ay nasa likod namin na tumatawa. Napailing nalang ako na may maliit na ngiti sa labi. Miss ko na rin ang bonding naming magpipinsan. Nandito rin kaya si Jaijai?
"Saan tayo?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa labas. Saglit kong nilinga ang tingin sa paligid habang patuloy pa rin sa paglalakad. Hawak-hawak pa rin ni Zizi ang kamay naming dalawa ni Jeush at walang planong bitawan. Habang ang pinamili ko naman ay pinabitbit ko muna kay Jaja.
"Sa Jollibee. Gusto raw kasi ni Zizi na pumunta doon," nakangiting sagot ni Jeush.
Kumunot ang noo ko. "W-what?Pupunta lang?Hindi kakain?"
Rinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Jaja sa likod namin kaya lumingon ako. Nakatitig ito sa cellphone niya kaya napakibit na lamang ako ng balikat at muling hinarap si Jeush. Kita ko ang pagpigil ng tawa niya hanggang sa humagalpak na talaga siya. Lalo tuloy na kumunot ang noo ko sa kanya.
"W-what?"
"I didn't know you're such a joker, Riri." sabi niya habang tumatawa.
"Anong joker ang pinagsasabi mo?Nagtanong lang ako noh?Tsaka, kung gusto ngang pumunta dun ni Zizi, pupunta lang at hindi kakain. Period." ani ko. Bigla akong napahinto nang maging blurry ang paningin ko. Bahagya kong pinilig ang ulo at mariing pinikit ang mata. Malinaw naman na pagkamulat ko. Hay. Ano na naman ba 'to?
"Eh kasi–hey, anong nangyare sa'yo?" napahinto na rin si Jeush at Zizi dahil nga magkahawak-kamay kami. Pati na rin si Jaja. Pumunta pa nga siya sa harapan namin at kunot-noo akong tinignan.
"Are you okay?" nag-alala niyang tanong.
"Yes of co-"
"No, she's not!" napatingin ako kay Jeush ng magsalita siya. Kita rin ang pag-alala sa gwapo niyang mukha habang nakaturo sa labi ko. "Look, ang putla niya," sunod naman ay hinawakan niya ako sa kamay. "At sobrang ginaw ng palad niya." Binitawan na niya ako at si Jaja naman ang humawak sa kamay ko. Nanlaki ang mata niya at dahan-dahan akong inalalayan.
YOU ARE READING
Let Go and Let God
General FictionPATHWAYS OF FAITH SERIES #1 Her life is in a total mess since she was a kid. Her life always been upsidedown. Her almost light world became darkness. **** Because of a sudden accident happened years ago, Koeri began to blame and hate herself, even G...