Chapter 21

3 3 0
                                    

I woke up early and prayed God before doing my daily routine. Exactly 7 am ay kumain na ako at pagkatapos kong kumain ay nagbihis at nag-ayos na ako ng sarili. Tinaas ko ang puting dress at 'di ko mapigilang mapangiti. This was my Aunt's gift when I turned 18 at simula nung binigay niya ito ay ngayon ko pa lang ito magamit. Good thing ay nadala ko ito kasama ang flat shoes doon sa aking luggage. Hindi ko nga naalala na nilagay ko pala ang mga ito doon. Para bang pinaghandaan.

Tumingin ako sa sariling repleksyon at napangiti. It's a turtle neck white dress na hanggang below the knee ang haba. Its long sleeves are slightly thin and it has a cream lace belt attached on the waist part. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok. I just put some face powder and a liptint. Simpleng simple lang siyang tignan.

Muli kong hinagod ng tingin ang kabuuan at nang masatisfied ay lumayo na. Sinukbit ko ang shoulder bag sa aking balikat at lumabas na ng apartment. Kinuha ko ang cellphone nang magvibrate ito at in-open. Tumambad ang message ni ate AZ na nasa coffee shop daw nila siya naghihintay. Tumalima ako at tinungo ang coffee shop. Pagkapasok ko doon ay nilibot ko ang paningin sa loob. Mangilan-ngilan pa ang mga taong narito at hindi ko nakita ang bulto ni ate AZ. Tanging mga kasamahan lang namin sa trabaho ang nandito. Nginitian nila akong nang makita akong pumasok.

Tinungo ko ang counter at agad na tinanong ang isang staff doon na si Danna. Wala rin kasi si Zel e. Well, it's Sunday naman akay surely ay hindi muna siya ngayon papasok.

"Nandun sila sa isang room sa itaas, Koeri." ang sabi niya habang nakangiti. Nginitian ko siya pabalik at nagpasalamat bago nag-excuse ng sarili. I silently made my way upstairs. Sila?Sinong kasama ni ate?Si Zel kaya?

Nagkibit ako ng balikat sa naisip bago dahan-dahang kumatok sa pintuan. I heard faint voices inside. I knock once again and upon hearing a response, I slowly entered the room. Binati ako ng tahimik na silid. Tuloy akong naglakad papasok hanggang napadpad ako sa may kama. Nakaupo doon ang dalawang pamilyar na pigurang nakatalikod sa gawi ko. Tuluyan na akong pumasok doon at napansin kong dahan-dahan silang lumingon. Ngumiti sila ng makita ako at agad ko naman itong sinuklian. And I was right, si Zel nga. Besides, its Zel's room afterall.

They motioned me to sit along with them in the huge bed. Tahimik at maingat naman akong umupo roon.

"Good morning," bati ko kaagad. Ngumiti sila at tumango.

"Good morning rin," sagot nila at tumahimik. Pansin ko ang pagbalik-balik na sulyap ni ate AZ sa cellphone niya at hindi ko na napigilan pang magtanong.

"May hinintay pa kayo ate?" tanong ko at bumaling kay ate AZ. Pansin kong tapos na silang mag-ayos. Ate AZ is wearing a pink lace dress while Zel is just wearing a white floral dress. Nakabraid ang buhok ni Zel sa magkaibang gilid at kay ate naman ay whole ang pagkabraid sa buhok.

Sumulyap siya sa'kin at tumango. "Yes. 'Yong magsusundo sa'tin. Parating na rin sila," sagot niya bago sinilid ang phone sa kanyang dalang handbag. "Labas na tayo."

Tinanguan ako ni Zel kaya sabay kaming tumayo at hinintay si ate. Tahimik kaming lumabas doon sa silid at sabay na bumaba. Marami na ang costumer pagkababa namin. Nagpaalam muna si ate sa mga staff doon bago kami tuluyang lumabas sa coffee shop. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko at huminga ng malalim. Kanina pa akong sobrang kinabahan at maraming 'what-if's' ang tumatakbo sa isipan ko.

"Relax K," napapitlag ako ng biglang magsalita si Zel sa aking gilid at tinapik ako sa balikat. Nakangiti siya ng bumaling ako sa kanya. Pilit ang ngiting binigay ko lalo na't nagsimula nang manginig ang kamay ko. Agad akong napapitlag nang hawakan niya ang kamay ko at muling nginitian. Pinisil niya 'yon. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili sa sobrang kaba.

Let Go and Let GodWhere stories live. Discover now