Chapter 20

5 3 0
                                    

Maaga pa lang ay nag-ayos na ako ng sarili at lumabas ng apartment. I'm just wearing a black jeans and a plain white v-neck shirt paired with a white sneakers. I just tied my hair into a messy bun. Saturday na ngayon and supposedly ay wala akong pasok sa trabaho. Humingi ako noong nakaraang buwan ng favor ni Sir Eshton na kung sana ay sa week days lang muna ako magtatrabaho at pumayag naman siya. But right now, gusto kong bawiin ang favor na hiningi ko kay Sir. Gusto ko ng pasukan ang trabaho sa weekend dahil sobrang nangangailangan na ako ng pera. Para na rin pampuno sa gastusan ko sa araw-araw, projects, pamasahe, and mostly ay sa gamot ko.

Matagal-tagal na akong lumayas sa bahay pero wala kahit isa sa kanila na hinanap ako., tinanong kung okay lang ba ako. Besides, may kasalanan rin naman ako so might as well face the consequences. Pero okay lang rin naman dahil meron naman na akong tinuring na bagong pamilya-ang pamilya nila ate AZ at ang mga kaibigan ko sa school. And of course, nandyan naman si Lord. Not that, kinalimutan ko na sila. Sa'kin lang ay masaya na ako kahit wala sila sa tabi ko, sa panahon na nahihirapan ko, dahil nandito naman sila(ate AZ and my friends) at palaging nasa tabi ko, dinamayan at tinulungan. Though hindi ko nasabi sa kanilang lahat ang problema ko but I'm still grateful dahil nanatili pa rin sila.

Huminga ako ng malalim bago tinulak ang glass door. Tahimik akong pumasok. Mangilan-ngilan pa lang ang taong narito. Tahimik at mabagal akong naglakad patungo sa counter at nadatnan ko si Zel na nagtatrapo ng mga cups at nag-arrange ng ibang gamit.

Nalaman ko lang lately mula kay ate AZ na pamangkin pala si Zel ni Sir Eshton at paminsan-minsan ay dito siya sa coffee shop natutulog. Ang sabi pa ni ate na isa rin daw si Zel sa mga disciples niya.

"Hi. Good morning," mahina pero nakangiti kong bati. Nag-angat siya ng tingin at nanlaki ang matang tumingin sa'kin. Sinenyasan niya akong pumasok kaya naman ay pumasok na ako.

"Anong ginawa mo dito?" agad na tanong niya. Ngumiti ako ng bahagya at nagkibit balikat. "Magtrabaho."

"Anong magtrabo?Weekdays lang naman ang-"

"Please, can I ask a favor?Makiusap lang sana ako kay Sir Eshton mamaya na bawiin ko ang hiningi kong favor sa kanya. Simula ngayon ay gusto ko ng bumalik sa orihinal na trabaho na binigay ni Sir sa'tin."

"But-"

"Please?Kailangan ko na talaga ng pera e," mabilis kong agap sa sasabihin niya.

Kumunot ang noo niya. "Why?What about your-"

"Naglayas kasi ako," bigla kong nasabi. Doon ko lang napagtanto ang sinabi ko ng napagmasdan ang pagbilog ng mga mata niya. Para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Naglayas ka?Bakit?"

"It's a long long story, Zel." sabi ko nalang tsaka bumuntong hininga. Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang napatigil. Nilingon ko ang tinignan niya at bigla akong nabuhayan ng pag-asa nang makita si ate AZ na papasok. Hinintay lang namin siyang makapasok habang may maliit akong ngiti sa labi. Now that I see her, gusto kong tumakbo at magsumbong sa kanya sa current situation ko since she's my mentor at sabi pa niya na pag may problema daw ako, hindi daw ako maghesitate na kausapin siya. But on the other side, nakakahiya rin naman kung gagawin ko 'yong ganung bagay. Maybe, pagkami lang dalawa.

"Good morning ate!" halos sabay naming bati ni Zel. Nagkatinginan kami at pansin ko ang pagtango niya sa'kin at pagngiti na agad ko namang sinuklian.

"Good morning –ate K?" napalitan ng pagtataka ang mukha ni ate ng makita ako. Mabilis siyang lumapit sa pwesto namin at kahit nagtataka ay bineso-beso pa rin niya ako. Tumingin siya kay Zel na nagtatanong na mga mata pero nagkibit lang ito ng balikat at tumingin sa'kin.

I sigh.

"Ate, can we talk?" I said those words while looking directly into her yes. Mukhang napansin naman niya ang aura ko kahit nakangiti ay tumango siya. Nag-excuse muna kami kay Zel. Dinala ako ni ate sa isang kwarto. Ito siguro 'yong kwarto na tinutulugan ni Zel. Nasa ikalawang palapag ito. May maliit na sofa pagkapasok namin at pinaupo ako roon ni ate at siya naman ay tumabi sa'kin.

Let Go and Let GodWhere stories live. Discover now