I want to see your face
Suddenly those words pop up in my mind while watching the bright sky. Tahimik ko itong sinulat sa dala kong notebook at huminga ng malalim bago humilig sa railing. Maaga pa lang ay pumunta na akong school at since maaga pa naman sa first subject ay tumungo muna ako dito sa rooftop para makapagrelax. At para rin makapagcompose ng kanta sa project. And then, those words entered in my mind. Well, totoo naman 'yon. And what I'm referring is...God.
"Ang aga mo ata ngayon," nakarinig ako ng yabag papalapit sa'kin. I didn't bother to turn back because I know its him. Sa kanilang apat, siya ang pinakasuki dito sa lugar na 'to. And yeah, nadamay rin ako. Well, these past few days, lagi na kaming magkakasamang anim, including Zel. Sila na ang matatawag kong kaibigan ko dito sa school bukod kay Zerah.
"Yeah..."
"Composing a song?" mula sa gilid ng mata ko at napansin ko ang pagtitig niya sa notebook na hawak ko. Mahina akong tumawa at tsaka nangalumbaba sa railing.
"Yes.."
"Yung sa project?"
"Hmm.." tumango ako at tumingin sa kanya. I was hesitant to tell him this pero sige lang, itry mo lang Riri. Itago mo muna 'yang kahihiyan mo. "Uhm..Nathan?Dala mo pa rin ba 'yong guitar mo?Pwede..a-ah..pahiram?" alanganin kong sabi na may kasamang ngiti na nauwi rin sa ngiwi.
Tumingin siya sa'kin tsaka ako tinawanan. "Of course you can. Mamaya," napatango ako sa sinabi niya. "Marunong ka palang mag-gitara?"
"Oo..slight lang," bahagya akong natawa at muling tumingala sa kalangitan. "Saan pala sila?Bakit 'di mo sila kasama?" tanong ko.
"Wala pa sila. Si Zel nandun na sa classroom at may ginagawa pero susunod daw siya mamaya dito. Hintayin niya raw muna sila," sagot niya. Sabay kaming napalingon nang marinig na bumukas ang gate. Pumasok si Zel at nginitian kami. Sinuklian naman namin siya ng ngiti. Nagawi ang tingin ko sa kamay niya at gaya ko ay may dala rin siyang notebook.
"There she is." hindi pa tuluyang nakaabot sa pwesto namin si Zel, nakarinig na naman kami ng pagbukas-sara ng gate pero mas malakas na ito kesa kanina. Lumitaw sa likod ni Zel si Kuen na maingay na may dalang guitar at kasunod naman ay sina Aquila at Stinelih na ngumitingiti.
"What are you guys, doing here?" agad na tanong ni Nathan at takang sinulyapan ang guitar niyang dala ni Kuen. Bakit pa nagtaka ang isang 'to?
Tumingin ako sa wristwatch at kusang nanlaki ang mata ko nang makitang 5 minutes nalang ang natira bago magstart ang klase. Sobrang tagal ko na palang nandito?At oo nga pala, bakit nga naman pala sila nandito kung magsisimula na ang klase?
"As usual," nakangiting usal ni Kuen at umupo sa sahig. Sumunod naman sina Aquila at Stinelih sa kanya. Taka akong napatingin sa kanila lalo na't sunod ring umupo dun si Zel. Nagkatinginan kami ni Nathan na may kunot ang noo.
"Wait lang guys ha?Pero late na tayo sa kla-"
"May good news pala kami!Vacant tayo sa first subject dahil may meeting ang mga teachers!" malakas at natutuwang saad ni Kuen na nakapagtigil sa'min. Muli kaming nagkatinginan ni Nathan at sabay na napakibit-balikat bago tumabi sa kanila. Pabilog kaming umupo sa sahig.
"So?"
"Let praise God!" sigaw nila at napatingin sa'kin. Ngumiti lang ako at tumango. Noon kasi pag mag-aya silang magpraise ay palagi akong tumanggi. But now, okay na at gusto ko na.
"May idea ako!" biglang taas ng kamay ni Stinelih. Tumingin lang kami sa kanya habang naghihintay sa sunod niyang sasabihin. "Gagawa tayo ng activity na related kay God. Parang fellowship lang. Ano, game kayo?" ngumiti siya kaya tumango kaming lahat.
YOU ARE READING
Let Go and Let God
General FictionPATHWAYS OF FAITH SERIES #1 Her life is in a total mess since she was a kid. Her life always been upsidedown. Her almost light world became darkness. **** Because of a sudden accident happened years ago, Koeri began to blame and hate herself, even G...