Chapter 18

11 7 0
                                    

"Ginulat mo kasi...."

"Eh sa nalimutan ko!"

"Alam mo namang hindi pwede e, tsk..."

Samu't saring tinig ang narinig ko. Mukha ng tatlo ang bumungad sa'kin pagkamulat ng mga mata ko. Gusto ko sanang itulak ang pagmumukha nila palayo pero wala akong lakas para gawin 'yon. Sila rin naman ang kusang lumayo nang makita ang ekspresyon kong nakangiwing nakatingin sa kanila kaya nakahinga ako ng maluwag.

"May naalala ka?"

"Yes. Batang lalake na kalaro natin sa gilid ng kalsada?" 'di ko siguradong sabi habang nakatingin kay Eliashi Jeush, na kung tawagin naming Ashi noong bata pa kami. Naalala ko siya kanina nung sumakit ang ulo ko. I sigh and get up. Agad akong inalalayan ni Jaijai hanggang sa tuluyan na akong nakabangon. Sumandal lang ako sa headrest ng kama at inayos ang nagulo kong buhok. "Ano pala ang nangyare?" tanong ko at pasimpleng tumingin sa paligid. Nandun lang kami sa sala kanina ah. Siguro dinala nila ako dito.

Napatingin ako kay Ashi at kumunot ang noong luminga. Bakit wala dito si Jabez?Nasaan kaya 'yong isang 'yon?

"Nahimatay ka kanina pagkatapos namin 'yon sabihin sa'yo. Iyon ba ang epekto pagmay-ireveal kaming nawalang memorya sa'yo?" mataman niya akong tinignan. Wag kang ganyan pinsan....I know that kind look of yours.

Nag shrug ako. "Yes, maybe," ang tanging sagot ko kahit alam ko naman 'yon. Base sa mga nabasa ko ay ganoon ang epekto at 'yon ang nangyare sa'kin. Sinabi rin 'yon sa'kin ni Tito Joash. Oh well...

"Bakit hindi ka nagpa-therapy, Riri?" rinig kong tanong ni Jeush na nakaupo sa may study table.

I already did.

Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko nalang tinuloy at iba ang itinanong ko. "Bakit naman?" kahit nakapagtherapy na ako pero hindi pa 'yon sapat dahil kaisa lang 'yon nangyare lalo na't wala akong sapat na pera.

"Para tuluyan ka ng makarecover at tsaka para makaalala ka na. Hindi mo ba 'yon gusto?" napaisip ako sa sinabi niya. Gusto kong makarecover nito pero may part sa'king natakot sa maaaring mangyare. Binaon ko na kasi sa limot ang lahat at hindi ko alam kung ano na ang mangyare. Dahil kung makaalala na ako, dapat akong handa sa kung ano ang maalala ko. Okay rin naman 'yon pero ang problema kasi....

"Wala kang probelamhin, Riri, dahil doktor ang papa ko. Kung 'yon ang iniisip mo.." sadyang binitin niya ang sinabi at makahulugan akong tinitigan. Sigurado akong may alam siya sa kalagayan ko. Whether they told them or si Tito Joash mismo ang nagsabi. I don't know.

Napaiwas lang ako ng tingin ng nagsnap si Jaijai at tumingin sa'kin.

Kunot noong tiningnan ko siya. "May hindi pa pala kami nasabi sa'yo. Doctor ang papa ni Ashi at Joash ang pangalan."

"I know,"

"Wait-saan mo naman nalaman?Naalala mo na ba siya?" napakunot ang noo ko sa huli niyang tanong. Naalala siya?Si Tito Joash?

"Doon sa school. I confirmed it when I ask Eliashi's complete name." sagot ko at sinulyapan si Ashi. Tinuro naman niya ang sarili. Tumango ako sa kanya bago bumaling kay Jaijai. Nakita ko itong kunot ang noo habang pabaling-baling ng tingin sa'ming dalawa ni Eliashi.

"So, magkakilala na kayo?"

"Yes. Doon sa coffee shop," sabay naming sagot. Napailing si Ashi at bahagyang tumawa. "Jeush nga lang ang pinakilala kong pangalan sa kanya." aniya. Napailing lang si Jaijai at muling binalik ang tingin sa'kin.

"So, naalala mo na talaga siya?'Yong papa ni Ashi?"

"Si Tito Joash?Ano bang pinagsasabi mong naalala ko na?" taka kong tanong. Umiling-iling siya tsaka gulat akong tinuro.

Let Go and Let GodWhere stories live. Discover now