Eloisa, a high schooler, can't believe her best friend when she said that someone from the class likes him.
A story about self-love, self-acceptance, and true love.
Date written: 04-13-22
Date published: 04/16/22 - 06/03/22
[Photo not mine. Credits...
so anong nangyari pagtapos ka nya iaccept? Close na kayo? Kayo na?
Eloisa
Oa mo talaga kahit kelan
Angela
Hahaha joke lang. Curious lang ako kung anong nagbabagang balita aka hot issue. Imposible naman yatang ichat mo ako dahil inaccept niya fr mo
Eloisa
Anong fr?
Angela
Seryosong tanong ba yan eloi
Eloisa
Oo
Angela
Ay tru ba di mo alam? Akala ko iniiwasan mo lang yung topic
Friend request hahaha
Eloisa
Ahh oks
Angela
So ano na hot issue?
Eloisa
Ang weird basahin ng hot issue hahaha
Angela
HAHAHA ano nga kaseee?
Eloisa
Wala gaano. di lang siya nagreply sa chat ko. Badtrip kakahiya
Angela
Nagchat ka na??
Mas mabilis ka pa pala mare sa inaasahan ko hahahaha ano ba sinabi mo? Baka naman math yan kaya di sya sumagot
Eloisa
Syempre hindi. Pero kahit naman math itanong ko sa kaniya paniguradong masasagot niya yon
Angela
E ano? Tungkol sa activity na gagawin niyo?
Eloisa
Di rin
Angela
So ano ngaaa? Lalo akong naiintriga sainyo haa ano sinabi mo sa kanya?
Eloisa
Ito lang
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Angela
Taena seryoso ba??
Eloisa
Oo bakit
Angela
Ampot-- HAHAHA kaloka ka eloiii grabeee di ko keriii
Sino ba nman kasing magrereply don eloi???
Eloisa
Triny ko lang naman yung sinasabi mo
Angela
Ang alin don? Wala yata akong natatandaang sinabihan kita na magsend sa kaniya ng like
Hala yan ba ang paraan mo para sabihing "like" mo sya??
Eloisa
Baliw hindi
Angela
E ano
Eloisa
Triny ko lang siya iapproach. Kung crush niya talaga ako at least sana nag hi siya o kaya nag isip ng topic para pahabain ang usapan namin kaso di niya ginawa
Angela
Malay mo too stunned to speak
Eloisa
Halerr chat yon. Simpleng magtatype lang di pa magawa
Angela
E di nahimatay sa kilig
Eloisa
Ang oa naman non
Angela
May point is maraming pwedeng rason kung bat di siya nagreply sayo. Di lang dahil sa di ka niya crush
Kung ako din siguro ichat ng ganyan ng crush ko baka di ko rin replyan. Baka nga masabihan ko pa syang weirdo
Eloisa
Hay whatever. Sana sapat na din yang screenshot para makumbinsi kang di niya ako gusto
Angela
Oo na nga. Di na kita pipilitin. Sorna kinilig talaga ako nung narinig ko si ronnie nung sinabi nya na crush ka ni ilog haysss
Eloisa
Appreciated ko yung nagbalita ka sakin pero buti naman at titigil ka na. Tenkss