23

50 4 21
                                        

NOV 7

Angela

Sat 18:08

Angela

Eloiii ang sama ko ba? Huhu

Eloisa

y? Ano meron

Angela

Si ivy kase kainiiiis

Eloisa

Yung partner mo sa fil?

Angela

Oo

Eloisa

Anyare ba?

Angela

Binabaan ko yung grades sa partners evaluation

6/10 nilagay ko

Eloisa

Di ba siya gaanong tumulong?

Angela

HINDI siya tumulong

Eloisa

Ay weh?

Angela

Totoo vakla. Lagi nyang paliwanag sakin busy sya tapos isang beses nakita ko nung uwian umiinom ng milktea kasama friends nya. Busy raw pero nagagawa pang uminom at makipagchikahan

At kahit intro lang wala syang ambag. Isang sentence nga lang na conclusion ang sinabi nya tapos sabi sakin ako na daw bahala mag expand. KdkfkKjb kainis!!

Tapos sabi niya tumulong naman daw sya kahit moral support at sa conclusion. Grabeng tulong naman yorn 1 sentence lang. AS IN ISANG PANGUNGUSAP. Tanda ko pa nga yung sinabi niya "nararapat nating pahalagahan ang wika kasi susi ito ng pagkakaintidihan. Ikaw na bahala sa kasunod, i-expound mo nalang." Like what--?!!

Grabe noh sa sobrang dami niyang naitulong kabisadong kabisado ko yung isang linyang ambag niya

Eloisa

Di ka ba nagpatulong maski sa intro lang?

Angela

Nagpatulong kaso madalas lang syang magseen o kaya puro wait. Di ko na tuloy hinintay at ako nalang mismo ang gumawa

At alam mo baaa nagchat lang siya nung last day na

Eloisa

Ano sabi?

Angela

Kung naipasa ko na daw ba yung essay NAMIN. Yep, ang lakas nyang magsabi ng amin e di nya nga pinanagutan yung responsibilidad. Anak ko lang yon kaya wala syang karapatang magdemanda

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon