[05]

32 3 5
                                    

The time I told my friend about that unexpected feeling, I felt like I lost myself to it. Wala na, finish na talaga ang puso ko. Parang gano'n. That time, marami akong hiniling at sinabi sa sarili ko. Good luck na lang sa future ko at sana mailigtas ko yung puso ko sa sakit. Sana hindi dumating ang araw na sasakit ang puso ko dahil sa isang lalaki. At sana mapanindigan ko ang pagiging empowered-woman-sa-kabila-ng-lahat-ng-kritisismo-at-panlalait. Sana maipagpatuloy ko ang pagiging independent ko bilang isang babae.

Alam kong medyo mababaw pa lang ang nararamdaman ko nung oras na 'yon pero nahihirapan talaga akong tanggapin. It feels foreign. My first crush for a few years, I guess. Marami akong crush na celebrity, syempre, pero iba siya sa mga iyon. Ibang-iba. Yung celebrities, tanggap ko na hindi mapupunta sa'kin. Siya,... ewan ko. Hindi ako sigurado noon.

Dahil sa dami ng naranasan ko, alam ko nang kakabit ng pag-ibig ang sakit. Ayan tuloy advanced na ako mag-isip. Wala pa ngang nangyayari o improvement, umiiwas na agad ako. Umaatras.

Pero kahit anong pag-iisip ko, may mga bagay talagang hindi maiiwasan. May mga bagay talagang kahit ilang beses kong iwaksi sa isip ko ay patuloy na bumabalik at nanggugulo. At lalong may mga bagay talaga na hindi ko namamalayang nangyayari dahil sa pagiging "go with the flow, but with caution" ko. Ang gulo pero gano'n tumakbo ang buhay ko noon. Push and pull. Abante at atras, pero syempre mas marami ang atras.

I guess, some things are meant to happen. Hindi ko pa naiintindihan noon pero intinding-intindi ko na ngayon.

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon