68

27 1 15
                                    

SEP 27

Angela

Mon 18:03

Angela

Eloiiii sana halls talaga nililibre ng kwek kwek and 99+ others

How to be u po HAHAHA

Eloisa

Ha??

Angela

Kala mo di ko nakita ahh marami yata akong mata. pinya ako eh hahahaha

Eloisa

Nakng teteng andon ka pala sana nagpakita ka para ikaw ang nautangan ko

Angela

Nakita lang kita nung magkatabi na kayo sa mahabang upuan. Pauwi na ako non at ayaw ko kayong istorbohin kaya di na ako lumapit hahahaha
Ay grabeee

Eloisa

Ikaw din grabe. Wala ka ba balak magkwentooo

Ano bang ikukwento? Kung pano kumain ng streetfood?

Angela

Dee hahahaha. Update kase tungkol sainyo ni hans

Di ko na kayo pinapalayag (slight lang chos!) pero super curious ako sa status nyooo

Anyare kanina sa labas ng school? Don sa may turo turo

Eloisa

Nagutom kasi ako dahil sa pe class natin kanina. Paglabas ko ng gate nainggit ako sa kumakain doon. Nagcrave ako bigla sa streetfood tas nung nakapili na ako saka ko naalala ko iniwan ko nga pala pera ko sa bahay para makatipid boseett

Buti na lang nakita ko si hans palabas dahil kung hindi nakakahiya sa tindera. Andami ko pa namang piniling pagkain

Angela

Nilibre ka nya?

Eloisa

Nope

Angela

Di sya nag alok na manlibre?

Eloisa

Noong una sabi niya libre niya ako pero syempre pagkain ko yun kaya dapat ako magbayad. Sabi ko sa kaniya babayaran ko yung mga binili ko bukas

Angela

Why mo tinanggihan yun libre?? Libre na yun ohh grasya!!

Eloisa

Ange 90 pesos gastos ko kanina. Meriende pa lang yun ah sobra kasi akong nagutom kaya dami kong kinain.

Nakakahiya nga nung tiningnan niya yung sticks na hawak ko na ibat ibang klase

Isaw bbq betamax pati kwekkwek. Malamang inisip niyang  patay gutom ako

Angela

Bakit di ba totoo veh?

Eloisa

Ay grabe siya oh

Angela

Hahahahaahah biro lang ang nega mo kase kahit kelan. Ano naman ngayon kung dami mong hawak na stick? Malay niya trip mong magmukbang di ba hahaha

Eloisa

Ngiii medyo natawa ps nga siya nung nakitang ganon karami hawak ko. Pati nung kumuha siya ng pera sa wallet tumawa din siya kasi muntik pang nagkulang

Angela

Gahahahaha

Pero close na kayo ni hans? Kita ko kayo magkatabi ehh

Eloisa

Di kami nag usap kanina sa totoo lang HAHAHA

Angela

Weh di nga? Hahahaha

Eloisa

Truu to. Dedma kami sa isat isa kahit na magkatabi. Nagsalita lang siya nung aalis na siya. Tas nagsalita lang din ako nung sinabi kong nabayaran ko yung kinain ko

Angela

Grabeee natiis nyo yun?

Eloisa

Saglit lang naman kasi umalis siya agad pagkatapos

Angela

Di ba awkward?

Eloisa

Super awkward uyy. As in. Magtatama pa nga lang braso namin umiiwas na agad ako

Angela

Pano awkward?

May spark ba pag nagkakatamaan braso niyo? Nyahahahah

Eloisa

Alam mo yung parang di kami nagchachat gabi gabi? Ganon. Kaya nga panay sorry ko din sa kaniya bagp siya umalis. Biruin mo kasi 90 inutang ko eh halos ganon na yung common allowance ng mga estudyante sa senior high

Gagi hahaha pano magkakatamaan eh iwas na iwas ako hahahaha

Angela

Malay mo naman di lang 100 baon ni hans kaya napautang ka pa nya

Eloisa

Sana nga ganon kasi kung hindi nakakahiya talagaaa. Di kami close pero ako umubos ng pang isang araw niyang baon

Angela

Ayos lang yan eloiii minasan lang naman

Pero sana maulit. Next time picturan ko na kayo foe remembrance HAHAHAHA

Eloisa

Baliwww hahaha

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon