[09]

28 1 6
                                    

He was my partner in class for the second time around. Naramdaman ko no'n? Noong nag-video kaming dalawa sa park, tanda ko sobrang awkward kasi 'di kami close sa personal. But deep inside, masaya ako and at the same time nahihiya. Kasi yung ginawa namin no'n, ako yung kinuhanan niya ng video. Nag-demo ako kung paano kuhanan ng litrato ang ibang ibang mga bagay, mostly puno at halaman. Tapos siya nakatitig sa camera para siguruhing maayos ang kuha.

That time, sobra akong conscious sa sarili. Buong shooting yata ang nasa isip ko lang ay mga tanong tulad ng kung anong tingin niya sa'kin, kung napapangitan ba siya, o kung nagsisisi na siya na ako ang pinili niyang partner.

Hindi ako makapag-concentrate no'n. Tawa lang ako nang tawa kahit nasa loob ay nanginginig na ako sa kaba. Siya kasi 'yon, eh. But I shook all my thoughts. Pinalitan ko 'yon ng "I have to do well" at "I have to prove myself even though it's not really necessary". Basta ginawa ko ang makakaya ko para maging maayos ang video, especially grades din namin ang nakasalalay ro'n.

Pero habang nasa proseso kami, kabado talaga ako. As in. Noon wala akong gaanong pakialam sa magiging itsura ko sa camera pero noong nagustuhan ko siya, bigla akong na-conscious. Bigla rin akong naging palaayos at mahinhin nang kaunti. Basta mas naging babae ako. Unlike before, kahit pa nung kami pa ng first boyfriend ko, wala akong pakialam kung may nanonood sa akin o wala. Ginagawa ko lang talaga ang gusto kong gawin, hinahayaang nakalugay ang mala-witch kong buhok, at kumakain lang ako nang kumakain.

Then in the process of editing,... nainis ako sa kaniya. 'Di siya nagparamdam tapos makikita ko nag-post siya sa FB. Grabe yung pang-g-ghost hanggang sa inakala kong wala pa siyang nasisimulan. But that night before the deadline, bigla siyang nag-reply sa akin. S-in-end na niya yung video at nagulat ako kasi tapos na pala. Honestly I was amazed. Lahat ng inis na naipon ko ng ilang araw ay biglang nawala. At sa totoo lang, lalo pa akong humanga sa kaniya.

Tapos kinabukasan pinakaba niya na naman ako nang sobra. 'Di kasi mataas ang written works ko sa MIL at yung PT na lang ang makakahatak sa grades ko. Ang kaso nang-ghost na naman siya kaya hanggang bago nagsimula yung klase inabangan ko siya. And yep, he came. And you know the feeling when Mary Jane was rescued by Spiderman or when people were saved by Superman? I felt that. As in. Sobra akong nakahinga nang maluwag noong pumasok siya ng room dala ang flashdrive. Lalo siyang naging gwapo sa paningin ko. Mabilis na naglaho na parang bula ang inis ko.

And right after that moment... I knew that I'm screwed again. Sa pagdami ng interaksyon namin, lalo akong nahuhulog kahit hindi ko gusto. Especially, madalas na ulit siyang mag-chat pagkatapos ng PT namin. Lagi siyang nagbibigay ng insights tungkol sa tweets ko.

Well, I'm a hypocrite if I say I didn't expect for a deeper connection between us.

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon