13

51 3 25
                                    

OCT 28

Angela

Wed 18:22

Eloisa

Musta na uuu? Masakit pa puson mo?

Angela

Onti na langg. Kakaselpon ko to jk hahshaha

Eloisa

Buti naman onti na lang. Kanina para kang natatae na ewan

Angela

Kaya nga eh bwiset na sumpa sa babae to nyahahaha jowk

Pero oy di buti yon huhu di kita natanong kanina kase umuwi agad ako

Eloisa

Natanong tungkol san?

Angela

Ikaw ahh bat mo piniling partner si hans? Crush mo rin siya no? HAHAHAHAHA

Eloisa

Potek yan lang pala. Takte inuna pa ang chismis kaysa dysmenorhea kung anuman spelling nun hahaha

Angela

Ganun talaga pag keribels na yung dysmenorrhea nagiging chismosa na ulit. Kanina kase inde ko kaya yung sakit. Buti sinamahan mo ako sa clinic mwehehehe

Eloisa

Syempre naman dagdag excuse din yon sa klase hahahaha joke

Angela

Hahaha buang. Pero ano nga bat mo pinili si hans? Naniniwala ka na ba sakin yieee

For the whole sem pa naman yun. Tapanggg

Ang dami namang iba pero bat sya pa

Eloisa

Saglit na lang naman yung sem. Sa january iba na ulit. Magnonovember na ngayon

Ikaw kasi ang aga mong napili. Wala pa naman akong ibang kaclose bukod sayo. Hahahahaha

Angela

Ahehe si ivy eh pinili ako

Eloisa

Ayos lang naman. Tsaka inexpect ko na naman yon. Complete package na kasi beauty and brains

Angela

Yan ka na naman damay mo na naman ako

Eloisa

Nagtanong ka ihh dont worry di ako galet o inggit. Sinasabi ko lang

Angela

Yahh i knowww so anong balak niyo ngayon?

Eloisa

Nino?

Angela

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon