[07]

29 1 10
                                    

He and I became so close. Different topics every night. Minsan tungkol sa assignments, upcoming quizzes and Performance Task. Isang beses hindi ako nakagawa ng assignment tapos nagboluntaryo siyang magpakopya. Pero dahil nahihiya ako dahil hindi kami close sa personal, tumanggi ako. Tapos naalala kong sabi niya i-se-send niya raw yung mismong sagot na may kasamang solution at iyon na lang ang pag-aralan ko pagkatapos. And he did. I think that made me like him even more. He's kind.

Mula noong nag-re-reply na siya sa tweets ko, hindi na lang puro psychology says or psychological facts ang tini-tweet ko. Kahit anong bagay na makita ko sa Internet isinasama ko basta sa tingin ko may sense. I had other reactors on Twitter but his reaction and replies were what I waited for the most.

Madalas akong mag-tweet noon kaya napapadalas din ang pag-chat niya sa akin. Dahil sa mga 'yon, napag-usapan na namin mula sa iba't ibang mga tao hanggang sa mga multo. Mula sa reyalidad hanggang sa panaginip hanggang sa pantasya. Pati mga paborito kong pagkain at paborito niyang laro sa PC ay naging laman din ng usapan namin. Hindi ko tuloy namalayang hindi na nakukumpleto ang gabi ko hangga't hindi ako nakakapag-tweet. Kasi kapag gano'n, hindi ko rin siya nakakausap.

The thing is, kapag nasa bahay, screen lang ang naghihiwalay sa amin. Naging close kami sa chat kaya inakala kong magkaibigan na kami. Pero tuwing pumapasok ako sa school, bumabalik kami sa reyalidad. Ang reyalidad kung saan napakalayo ng mundo namin sa isa't isa kahit magkasama kami sa loob ng apat na sulok ng classroom. Doon, parang hindi kami magkaibigan. Doon, parang hindi kami magkakilala.

Kahit na libre lang na lapitan at kausapin ko siya noon, hindi ko magawa dahil laging may pumipigil sa akin. Ang sarili ko. Lagi kong sinasabi na hindi ako dapat lumagpas sa linya at sapat nang maka-chat ko siya. Sobra nang hilingin na makausap at maging kaibigan siya sa personal dahil magkaiba kami, magkaibang-magkaiba. Isa siya sa top students, average student naman ako at hindi pansinin sa klase.

Pero magulo ang utak at makulit talaga ang puso ko noon. Kada sinusubukan kong umiwas tuwing nagkakasalubong kami, laging may nagsasabi sa'kin na "chance mo na 'to" at "walang mawawala sa'yo kung kakausapin ko siya". Pero imbes na mag-initiate ng usapan kapag nagkakasalubong kami, tumatayo lang ako lagi sa isang tabi hanggang sa makalagpas siya. Ano nga ba naman kasi ang pag-uusapan namin sa personal 'di ba? Multo? Assignments? Pusa? That strategy worked for me everytime.

At tuwing gabi kapag mag-isa lang ako, madalas akong mag-overthink. Laging kong naiisip kung crush niya ba ako o hindi kasi sabi niya sa'kin ang saya ko raw kausap. 'Di raw ako boring tulad ng inaakala ko. Pero tuwing naiisip ko 'yun, lagi akong hinihila ng reyalidad at napapaalalahanan na ang babaw kapag nangyari 'yon. Pilit kong tinatanggihan ang sarili ko pero sa loob ko ay umaasa na rin ako.

I used to believe that there's something between us because of our convo every night and day. Until the next unexpected thing happened.

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon