[08]

25 2 6
                                    

Yes, na-link siya sa ibang babae way back Senior high school days. It was okay, not until I realized the fact that she is way better than me. Mas maganda at mas sexy 'yon sa akin.

She's the girl I used to envy. The girl that I was most insecure about before. The girl that I wished I could be. Wala siyang kaalam-alam noon na kinaiinisan ko na pala siya. Na kung may greatest basher siya, ako 'yon kasi repleksyon siya ng taong gusto kong maging. May pagka-kikay siya, maalaga sa sarili, mahinhin, at higit sa lahat, malakas ang appeal. Maski nga yata mga kababaihan girl crush siya.

Now I get why people hates ugly people. Nakakasura sila at masakit sa mata. On the other hand, people hate beautiful people because they're jealous of them. 'Di uso sa kanila ang katagang "'pag inggit, pikit."  Tulad ko, nainis ako sa kaniya kasi gusto kong pumalit sa posisyon niya noon.

Ang unang pumasok sa isip ko nung mga panahong 'yon ay kasalanan 'yon ng kaibigan ko. Kasalanan niyang umasa akong may something na sa amin ni ano dahil halos gabi-gabi kaming magka-chat. Kasalanan 'yon ng kaibigan ko kasi kung hindi niya sinabing crush ako ni ano, hindi ako ma-cu-curious at siguro hindi ako darating sa ganoong punto.

That time, I got too many signs na hindi na ako dapat umasang may magkakagusto sa akin. Na magpaka-strong, independent woman ako. Na dapat mag-stick ako sa motto ko na, "Eloisa na mahilig mag isa. Ann na di matatamaan. Gemino na di magpapaloko kahit kanino". I tried my best to live by that quote.

I really tried.

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon