[04]

35 4 5
                                    

And yep, I gave up just like that. Sounds easy pero matagal-tagal ko ring pinag-isipan. Took me a lot of courage before I was able to say it to kuya. Buti na lang talaga pumayag siya. Pero syempre pinangaralan niya ako nang bongga pagkatapos.

Days after I quitted, I was like, "Why do I even bother? Kung crush na ako noong mataba ako, why would I change myself?" Pero syempre paraan ko lang 'yon para mapagaan ang loob ko at maiwasan ang konsensya kasi sinayang ko yung pera ni kuya.

Pero ang nangibabaw sa'kin ay kasiyahan kasi nakakakain na ulit ako ng lahat ng gusto ko. Sabi ko nga pagkain ang soulmate ko. Biruin mo ilang linggo lang akong nilimitahan no'n, parang mamamatay na ako sa gutom. Literal.

Naalala ko bago magpasukan, doon ulit bumalik ang panghihinayang ko. Siguro kasi masyado akong umasa. Akala ko madali lang ang magpapayat kasi marami akong nakikita sa online na major transformation. Pero nung sinubukan ko, takte humanga lang ako sa mga nakayanan 'yon at walang balak na gumaya.

Ayun nga, nanghinayang ako kasi naka-set na sa isip ko na magugulat ang mga kaklase ko kapag bagong school year na. Inasahan kong mapapanganga sila kapag nakita ang bagong ako, ang mapayat at sexy na ako. Lumubog ang puso ko nang mag-sink in sa akin na imposibleng mangyari 'yon.

Lalo pa akong na-frustrate kasi na-imagine ko rin na lalong mapapahanga si River sa akinkung sakaling crush niya talaga ako. Ang lakas ng imahinasyon, ampotek. Expectation vs. Reality nga naman. Nakakaloka. Pero sabagay, 'yon lang ang libre no'ng mga panahong iyon.

Buong summer, walang gaanong nangyari sa akin at sa paligid ko. Ang boring at walang gaanong thrill. Tambay lang ako sa bahay, kain at tulog. Imbes na pumayat, parang lalo pa yatang nadagdagan ang timbang ko. Siguro lalala pa 'yon kung hindi ako nag-workout. At least.

Hanggang sa natapos ang bakasyon. Bagong school year na naman, Grade 12 na ako. That time, hindi ko in-expect na magiging komplikado ang nararamdaman ko, ang buhay ko, at ang lahat-lahat. Seryoso, hindi ko inakala. Akala ko hanggang crush lang ang turing ko sa kaniya. 'Di ko inakalang may mas lalala pa.  Lalo na nung nagkwento si Angela isang araw ng walang pasok.

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon