1

82 6 13
                                    

OCT 13

Angela

Tue 16:21

Angela

Vaklaaa confirmed!! Crush ka ni river!

Eloisa

Sinong river? Yung nasa stem 12 na nanalo sa robotics?

Si kuya river ariola?

Angela

Oi anong si kuya river?? May jowa na yun gaga ka

At di pa kilala non vehh kaya ekis

Eloisa

Sino ba kasing river tinutukoy mo

Angela

Yung kaklase natin malamang!! Ang layo ng narating ng imagination mo eloii

Eloisa

Gaga si river mojico? san mo na naman nakuha yan ange?

Angela

Kaninang hapon lang habang kumakain ako pishbol sa kanto. Nakasabay ko sila don. Di nila siguro ako napansin kaya ang lakas ng loob nilang asarin siya

Eloisa

Sus yun lang pala. Malamang nag aasaran lang yung mga yon kaya wag mong seryosohin

Angela

Ngeee nagmadali pa naman akong umuwi at mag online para lang machika sayo tapos di ka maniniwala?? Whataaa

Eloisa

Di naman kasi talaga kapanipaniwala. Buti sana kung si cherrie ang girl na binanggit mo. Baka di ko na tanungin kung saan at kelan mo narinig

Angela

Kaso di cherrie ang narinig ko kundi E-loi-sa. As in eloisa ann gemino!! Eloi tru 2 pramis walang biro

Eloisa

Weh full name binanggit?

Angela

diii. Eloisa lang

Eloisa

E di di talaga totoo yan. Wag mo na pansinin dahil baka nagkamali ka lang ng dinig

Angela

Pramisss di ako nagjojoke. Narinig ko talaga sila at sure akong ikaw yon. Ikaw lang naman kilala kong eloisa with the capital E

Eloisa

Malay mo may kakilala silang pangalan ko

Daming pwedeng ganon. Wag na tayo mag assume hahaha

And fyi people rely on sight, sound and smell when it comes to being attracted to people, and all 3 senses play a vital role in making people attracted to one another

Psychology says

Di ko nga siya nakakausap maski nalalapitan. Imposible namang maamoy niya ako mula sa malayo e di ako nagpapabango. O kaya marinig e di ako makabasag pinggan sa klase. At mas lalo naman sa sight. Like kahit ako ikaw, di ko magugustuhan sarili ko

Angela

Yan ka naman sa psychology says mo di naman lahat yan accurate. Tsaka malay mo natamaan si river sa beauty mo yieeee we never know

Eloisa

Ange gisinggg! Inaantok ka pa yata haahahah baka may magkagusto sa taong pinanganak na panget na mataba pa. Keri lang yon kapag may gayuma noh. Pag wala e di nga nga, wag na umasa

Angela

Grabe wag mo naman ibaba ang sarili mo. Walang taong pinanganak na pangit. At kung meron man, nasa ugali yon

Eloisa

Bulag ka teh? Di mo kita? Sa laki yata ng katawan ko di magkasya sa paningin mo hahahaha

Angela

Oa mo naman di ka naman ganon katabaan. Nadadaan naman yan sa workout kung gusto mo magpapayat pero kung ayaw mo keri lang din. Wala ķk masama sa katawan. Health problems lang siguro kaya maghinay hinay ka

Eloisa

Ah basta i stand wd what i said hahahaha

Angela

Ah basta rin i stand wid what i said HAHAHA

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon