[03]

40 4 12
                                    

We barely talked in person and in chat. Halata naman siguro sa time gap ng magkasunod naming chat. After that funny incident, yung hotdog sandwich incident, hindi ako nakatulog nang maayos. 'Di ko alam pero napuno ang isip ko ng sinabi niya sa akin. Alam ko sa sarili kong hindi ko dapat lagyan ng malisya 'yon. Bayad niya lang yung pagkain kasi aksidente kong binusog yung pusa niya. Pero kinagabihan, nagkaroon ako ng weird na pakiramdam.

Ang babaw pero tumatak sa akin yung biro niyang "may pasobra pang isa dahil special ka".

I'm like, why did he say that? Bakit sa'kin pa? I mean, sa lahat ng pwede niyang biruin, bakit ako pa? O kaya bakit niya ako biniro ng ganoon e 'di naman kami close?

Inisip ko rin kung biro ba talaga 'yon o may double meaning. Kasi kung iisipin, hindi niya naman talaga kailangang bayaran ang hotdog sandwich ko kasi ako ang mismong nakahulog no'n a hindi siya. Pero ginawa niya pa rin.

Dahil doon, nagkaroon ako ng kongklusyon.

Maybe what Angela heard was right.

Maybe River really has a crush on me.

Maybe he really meant what he said to me.

Ilan lamang iyon sa mga weirdong bagay na pumasok sa isipan ko. At ang mas weird pa, hanggang sa matapos ang school year ay siya ang naging laman ng isip ko kahit hindi na kami ulit nag-usap. Naaalala ko siya kahit anong ginagawa ko. Hindi ko namalayang nawala na ang hotdog sandwich sa picture. Naaalala ko na siya bilang siya at hindi dahil sa kahit anong pangyayari sa nakaraan.

Then it finally hit me. I might have like him. But seriously? Sa hotdog sandwich nagsimula? I mean, anong kababawan 'yon? Hindi nga ako naniwala kay Angela nung sinabi niyang gusto ako ni River tapos ngayon nabubuo ang pag-asa sa puso ko. Umasa akong double meaning ang sinabi niya sa akin.

Ayokong aminin pero buhat noon, hindi na lang pagkain at sarili ko ang iniisip ko kundi siya na rin. At bukod doon, naisip ko rin ang pagpapayat. You heard it right, pagpapayat na ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko noon.

I thought it was a Fairy Tale (Part 1) | ChatseryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon