28: Hindi kami magkapatid!

1.2K 41 2
                                    

At dahil sa kakulitan namin ni Joaquin, na sya talaga yung pasimuno napagod na kami kaya napagisipan naming kumain hehe

"Ano pong order nila?" Tanong nung waitress na nakaasigned sa table namin

"Umm dalawa ngang pasta at isang whole pizza" sabi ni Joaquin at tinuro yung gusto namin "At isa pa nito"

"Yun lang po ba?" Sabi ng waitress na ngayon ay nakatingin nalang kay Joaquin

Uhm?  Ako miss hindi mo ako tatanungin kung ok na ba saakin yun?

"*Ehem* isang boteng ice tea nga at isang fries,miss" sabi ko habang tumitingin sa menu na hawak hawak ko.

Nung tumingin na ako sa waitress akala ko sinusulat na nya yun pala nakatingin sya kay Joaquin na ngayon ay tumitingin sa menu

Hindi lang tingin! Kundi TITIG -__-

Ano yan? Scanning of my boyfriend's face while she's infront of that boy's girlfriend?. Landi po!  Aba! Akala ko ba trabaho nya ay kumuha ng order ng costumer hindi kumuha ng detail sa mukha ng customer.

Tinignan ko naman tong lalaking toh,  ayun walang pake nakatingin lang sa phone nya

"Miss?" Tawag ko sakanya pero anak ng tipaklong hindi ba naman ako pinansin.

Kinalabit ko na pero. Nak ng tekneneng naman oh! Tinapik pa naman yung kamay ko! Ano ako? Lamok? Na basta basta nalang tinatapikan

Napatingin nalang ako sa table. Woohhh  may soup pala haha

"WHAT THE?!!!!"

Ayan na gising na ang madam sakanyang napakagandang day dreaming

"Lyn!?"

"Opppsss, sorry. Hindi ko nakita na may soup pala dito eh" sabi ko at nagpeace with matching na smile na nakakapangasar

Ganyan talaga pag tingin ng tingin ka sa lalaking may gf at mas lalong kaharap mo pa yung gf

"Okay lang po" mahinahon nyang sinabi at tumawag na ng janitor para linisin ang natapong soup

"Selos?" Bulong saakin ni Joaquin at inarapan ko nalang sya.

Halata naman diba? Tatanungin pa.  Tsss.

"Eh kasi naman kung makatitig sayo yung babae parang wala ako dito" sabi ko at tiningnan ng masama yung babae. Ito namang katabi ko grabe kung makatawa "Tawa pa,makakatikim ka talaga saakin" banta ko sakanya

"Hahaha ng ano? Ng kiss wahahah" sabi nya at tumawa pa

Pagkatapos naming kumain nauna na akong lumabas at nung nakalabas na sya ayun nakangiti pa

"Oh? Para kang timang dyan.  Ba't ka nakangiti?"

"Wala naman" sabi nya pero nung tinignan ko sya ayun nagpipigil ng tawa habang tinitignan ako. 

Parang ewan lang.  Jusko

*****

Next up sa department store. Bibili kasi kami nag damit para panligo

"Sabi pala ni mama na kung pwede ba daw sumama kayo ng barkada" pahayag ko sakanya

"Ahh okay, kung saan ka naman andoon din ako eh" sabi nya sabay wink saakin. I poke his forehead slightly.

"Puro ka talaga hirit noh!" Sabi ko sakanya pero ang totoo nyan kinikilig ako wahaha

"Oo naman basta ikaw"

"Ahh ganun?! Edi wow!" Sabi ko at nagcross arms.

"Ang sweeeeeetttt mo talaga" sabi nya sabay pingot ng ilong ko!

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon