17: Hindi ko kayang mawala ka

1.7K 53 4
                                    

Lyn's POV.

Pagkatapos ng araw na yun ang mga narinig ko galing sa mga pinsan nya ay

'Malamang girlfriend ka nya eh'

'Psh ate Lyn natural magseselos yan'

Yan ang madalas kong narinig pero ako naman, totoo ba yung sinabi mo Joaquin? Na nagseselos sya?

Sana hindi ko na pinakilala si kuya bilang kuya sa kanila edi sana mag inaasar ko pa si Joaquin hehe. Hindi rin ako makatulog nung gabing iyon dahil sa sinabi nya

"Tara Lyn! Bili tayo ng souvinear" masiglang ni Ella

"Saan?"

"Dyan sa bayan at sa mall, so tara?" Tanong nya saakin agad naman akong tumango.

Eto ang pinakaexciting part pagumaalis kami ang bumili ng souvinere haha

"Aalis kayo? Yan ang sosootin mo?" Agad na tanong ni Joaquin saakin pagkababa ko

"Oo, bakit?" Tanong ko. Wala naman akong makitang masama sa pagsosoot ng maong short atsaka simpleng t-shirt

"Magpantalon ka nalang" cold na sabi nya habang patuloy lang sa paglaro ng video games kasama sila Drake

"Ehhhh nakakatamad kayang pabalik balik, okay lang naman toh ah" sabi ko at lalabas na sana pero bigla nyang hinatak yung laylayan ng t-shirt ko "OH?!?!?!"

"Anong 'oh?' Dali na magpantalon ka na, baka kung mapano ka pa dyan dahil sa soot mo" sabi nya saakin, ako naman eto nagpupumilit na makatakas sakanya

"Ano ba?,kaya ko naman ang sarili ko atsaka andoon naman sila Kitkat at Yume eh"

"Kahit na. Ayaw mo?" Umiling ako.  Buti naman tinanong nya kung ayaw ko o gusto ko.  Pinause naman nya yung nilalaro nila sabay lapagpa ng controller sa table "Okay then. Sasama nalang ako"

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nya

"Baliw ka ba?! Eh GIRL bonding nga po ito eh!" Sabi ko sakanya at diniin ko pa yung girl na word, kainis kasi eh anong masama sa SHORTS?!

"Osige mamili ka magpapalit ka o sasama ako?" Mahinahong tanong nya

"Wala" sabi ko at tumalikod na, mabilis akong naglakad papunta sa labas, okay na pala yung pilay ko wag ko lang daw bibiglain hindi na toh lala

Kasama ko na ang mga girls ngayon buti nalang at hindi na ako kinulit ng Joaquin na yun, akala nya pagbibigyan ko sya. Sus! Asa pa!

Madami dami na kaming pinamili.May nakita akong isang jewelry store pero hindi sya pure jewels may mga bags and shoes rin, ang cucute lang. Tiningnan ko muna yung mga bracelet na naska display

"Ate original po ba toh?" Tanong ko, may silver at gold kasi eh tapos kumimislap pa

"Ahh yung iba po nyan, san po ba yung gusto nyo?" Tanong nung nagtitinda.

Tumingin naman ako sa mga bracelet, magaganda naman ito, may butterfly, may diamonds na nakasabit pero ang nakakuha ngtingin ko ay yung may hearts na nakadikit sa mis mong bracelet, may malaki at may maliit salitsalit sila, kulay pula yung mga heart. Napakasimple nga eh kumper mo sa iba

"Patingnan nga po nun ate" sabi ko at tinuro yung bracelet na nakakuha ng tingin ko. Kinuha nga yun ng ate at ipinakita saakin. "Ang simple naman po nito" sabi ko at tinitingnan yung bracelet

"Alam mo iha,ikaw palang ang nakakita nito haha ewan ko ba sa mga nagdaang costumers ko kung bakit hindi nila nakikita toh"

"Baka po nakatadhana talaga kaming dalawa haha" sabi ko at nakitawa narin

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon