55: Muse

730 24 0
                                    

Marion's POV.

"Rion, kailan mo ba ako sasagutin?" Tanong ni Gab saakin

"Sa tamang panahon" sabi ko sabay ngiti

"Kailan naman yung tamang panahon na yun?" Sabay lapit saakin unti unti.

*Gulp*

Almost there,

Malapit na

Nang biglang..

BLAGGG!

Ay letche! Nagputol tuloy yung kakaimgine ko dahil sa isang kalabog na pagkalakas lakas

"Oh? Katakot naman yang aura mo ngayon Lyn, anyare?" Tanong nitong katabi ko.

Kung alam mo lang kung anong nangyari sa imagination ko sigurado papagalitan mo si Lyn huhuhu..

"Kabadtrip!" Sabi nya sabay salampak sa tabi ni Rein.

Mas kabadtrip ka! Hindi tuloy na tuloy yung kissing chuchu namin ni Gab.

Kasi naman eh!

Pero concerned parin ako kay Lyn syempre, reality yung nangyayari kay Lyn samantalang saakin imagination lang na pwedeng magging reality SOON

"Ano ba kasi yun Lyn?" Tanong ni Ella na worring worry

"Yung lecheng Kristine ba naman,sya yung nagging muse sa mini olympic na gaganapin next week---"

"OH? anong problema dun gurl?! Don't tell me naiingit ka kasi hindi ikaw yung napili bilang muse para sa mini olympic next week?" Sabat ni Cass.

"HINDI NOH! NAIINIS AKO DAHIL ESCORT NYA SI JOAQUIN BECAUSE JOAQUIN IS THE CAPTAIN BALL NG BASKETBALL! SH*T LANG!" Sigaw ni Lyn na halos magwala na sakanyang inuupuan

"Hala! Lyn kalma, baka mabutas yung upuan" sabi ni Drake at napatigil dun si Lyn, nagdead glare lang si Lyn at sumigaw ng

"SHUT UP!"

Argh! Ang lakas ng boses nya. Abot kabilang school. Tsk

"Ano bang pinoproblema mo dun? Hahawakan lang naman nilang dalawa yung seal nating 4th year at sila yung nasa unahan yun lang nam-"

"Yun na nga bae eh! SANA YUN NALANG! Pero hindi eh, kalat na sa buong school ang performance ng muse at ng escort in each different levels dito sa highschool bago magsimula ang event. Magpapabonggahan daw sa talents. Eh alam mo naman kung anong talent nung babaitang yun" sabi ni Ella ng nakasalumbaba pa.

Akala mo sya yung may problema noh? Haha pero barkada eh pag may problema ang isa damay damay na ang lahat

"So anong pwede nating gawin?" Tanong ni Jhim

"Rally?"suggest ni Drake tiningnan nalang namin syang lahat ng masama, pag ito talaga yung nagsuggest pahamak lang eh "Or tatahimik nalang"

Lyn's POV.

Badtrip! Pagkapasok na pagkapasok ko yun yung unang narinig at nakita ko!

Leche kasi kailangaan pang mag news news paper dito sa school na toh isama mo pa yung tarpauline na nakalagay sa harap ng gate AT syempre yung mga chismoso at mga chismosa hinding hindi yan mawawala sa akto.

FLASHABCK

Naglalakad na ako papunta sa gate ng may marinig akong nagbubulungan, parehas lang ata kami ng school eh ganun din kasi yung damit nila pero bakit naman dito pa sila nagchichismisan?

"Alam mo bang yung bagong muse ngayon sa batch natin ay hindi na si Lyn" Girl1

Huh? Sino naman? Okay lang nakakapagod rin naman kasing magging muse tapos pagdating ng mini olympics kailangan magmake up chuchu tapos magsosoot ng mini skirt. Argh!

"Sino na?" Girl2

"Yung pandak! Pero gurl ang ganda nya, aaminin ko ang ganda nya mas maganda pa ata saakin yun eh" Girl3

Ahh si Kristine? So what?! Paalis na sana ako ng marinig kong sabi nung isa

"At si Joaquin yung escort" Girl1 napatigil ako sa paglalakad at tumingin sakanila

WHAT?! tumakbo ako papunta sa school at leche sa gate palang nakatarpauline na yung mga muse at escort nila.

END OF FLASHBACK

"Oh anong nangyayari dito?" Tanong ni Joaquin

Speaking of the escort..

"SELOS" sabi agad ni Drake at sinamaan ko lalo yung tingin ko sakanya halos sakalin ko sya sa tingin. Argh! Stupid Drake

"Tara na nga, Francis malalate pa tayo nyan eh!" Sabi ko at hinatak na si francis papunta sa classroom

"Late?! Beh 6:30 palang 7:05 pa yung time---ARAY!" sabi nya kinurot ko nga at tang* ang lakas tumili!

"It's better to be early than on time" sabi ko at hinatak na sya papunta sa classroom . Hay badtrip na nga ako nakita ko pa yung face nya. Buset

Booooggsssshhhh

"Aray!" Sabi nung nakabunggo kong babae

"Sorry miss hindi ko sinasadya. Sorr---" napatiggil ako sa kakasalita ng marealize kong kung sino tong nakapabangga ko.

Sana pala hindi na ako nagsorry sakanya. Tama lang pala yung ginawa ko

"Oh it's you, its okay. I'm fine" sabi nya at pilit na tumayo habang ako pinapanood lang sya.

Siguro iniisip nyong iniisip ko wag akong maawa, buti nga sakanya pero hindi, gusto ko syang tulungan kaso nakakarindi parin yung naalala ko

"Ahh may pilay ka ata, dalhin na kita sa clinic" sabi ko at tumango naman sya kung hindi lang nakakaawa yung face nya.

Hay nako! Hindi ko na toh tutulungan.

"Salamat ha"

Andito na pala kami sa clinic ginagamot yung pilay nya

"Welcome" formal na sabi ko

"Oh please wag ka namang magging formal saakin haha" nakuha pa nitong tumawa.

Hindi ba sya naawawakwardan sa nangyayari? Hays

"By the way gusto ko lang sanang humingi ng pabor sayo. Pwede ba?" Pahayag na.

Aba abuso na tong babaeng toh, matapos kong tulungan, may hihingin pa sya ng pabor, aba't.

Okay lyn wag ka nalang papayag . SABIHIN MO WAG! Sino ba sya para paghingian ka nya ng pabor, ni hindi mo nga sya kaibigan eh

"Sige ano yun?" Okay hindi ako humindi ako na ang mabait. Tss

"Thanks, yung pabor ko tutal ikaw naman yung last year muse sa batch natin pwede bang humingi ng tips"

Napakunot naman ako ng noo, anong tips ang pinagsasabi neto?

Eh yung last year nga si Joaquin lang yung nagturo saakin kung ano ang dapat kong gawin eh. Bakit hindi kaya sya magpatulong dun tutal mukhang live in naman sila atsaka sila kaya. Duh!

Pamuse muse ka pa kasi. Hindi mo naman alam kung paano tsk tsk tsk

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon