52: Laruan

819 23 1
                                    

Lyn's POV.

Kaya pala hindi pumasok si Francis nung isang araw dahil nagkasakit sya. Di naman nya sinabi saakin kaagad akala ko tuloy kung anong nangyari sakanyang kababalagahan.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng makita ni Francis yung mama at papa nya

"Francis anak!" Sabi ni Tita Marie at lumapit saamin napahinto naman kaming barkada dahil dun.

"Hi mama" sabi nya with his manly voice, napatawa tuloy ako dahil ako lang talaga ang may alam na bakla ito

"Hi Tita Marie and hello po Tito Mario" sabi ko at nakipagbeso beso sakanya.

"Barkada ba kayo ni Francis?" Tanong ni Tita Marie sa barkada

"Ahh yes tita marie" sabi ko. Ako na ang sumagot wala atang balak sumagot ng mga ito eh. Ayun nakipagkwentuhan lang ng konti sila Tita at Tito saamin lalo na sa barkada kaya lang, langya, ang sinasagot lang naman nila ay TANGO, ILING,YES, NO very good answers diba?!

"Magtitime na beh, tara na. Bye mama and bye papa" sabi ni Francis at nagmadali ng umalis habang akbay akbay ako.

"Hahahahaa ano yun? Beh? Hahahahaha" bulong ko pero yung tawa super lakas.

"Shhh Lyn, pwede ba baka mapaghalataan ako noh" sabi nya at napalingon naman ako sa likod. Sila tita andoon at nakasunod lang ang barkada saamin pero, si Joaquin na iwan ang sama ng aura

Kulang nalang lagyan mo ng mga black at nagaapoy sa background nya and VUALA! Demon hahhaha de joke lang

******

"Si Joaquin?" Tanong ko. Eh masisi nyo ba ako sya lang yung kulang and it's almost half of the lunch time wala pa rin sya

"Ayun oh" sabi ni Charles at ngisuan yung asa bandang likod ko. Tiningnan ko ito at..

O_O

"How great Charles! Tinuro mo pa talaga" sarkastiko na sabi ni Cass at hinampas si Charles.

"Okay lang. CANTEEN KASI TOH HINDI BAR PARA MAGLANDIAN" pagpaparinig ko sa kanila. Nakita ko lang naman siya nakikipaglandian kay Gizel sa table na medyo malapit saamin

Paanong naglalandian?

Edi ano pa. Subuan, Nose to nose, halos magkiss na nga eh.Naalala ko tuloy yung dinner nung isang gabi. Nagkiss kami accidentally yun pero bakit hindi ko pinigilan, kahit sya rin! Hindi nya pinigilan.

Akala ko okay na yun pala mas lalala tapos madadatnan ko syang ganito? Just W-O-W

Akala ko tumigil sya pero tang*na (sabay pukpok sa may table) nagkikiss pa balak atang makaroon ng milagro eh.

"Hindi talaga Rein?" May nagtanong pero hindi ko alam kung anong gusto nyang sabihin,  at wala akong pake. 

Nagkibit balikat nalang si Rein sabay kain ng pagkain nya

"Oh Lyn, chill sayang yung pagkain." sabi ni Drake kasi naman hawak hawak ko na yung binili kong juice at pinisil ito

"Francis samahan mo nga ako" sabi ko at tumayo na hawak hawak parin yung juice. Hindi ko namalayaang papunta napala ako sa kanila

"Opss sorry, hindi ko sinasadya" sabi ko tinapon ko lang naman yung juice sa kanila.

Kunyari natapilok tapos nabuhos lang yung juice sa kanila sayang nga eh konti lang yung binuhos ko.  Hahah naawa kasi ako. 

"Wtf! Ano bang problema mo?!" Sigaw ni Gizel sa simpleng sigaw na yun napatigil lahat ng tao dito sa canteen sa kanilang ginagawa.

"Wala.  Nagsorry na nga diba?" Sabi ko at aalis na sana kaso bigla nyang kinuha yung wrist ko at hinatak ako pabalik

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon