74: Ipaglalaban ko sya

720 22 3
                                    

"ANO?!" sigaw ni Joaquin nung kinwento ko sakanya lahat. As in lahat pati yung plano kong layuan muna sya. Andito kami sa may sala ngayon habang yung barkada asa taas,  for sure nakikinig din yan.  Grabe halos na-giba na tong buong bahay sa lakas ng sigaw nya "KAYA PALA...LECHENG DAD KO YUN! SYA MAPAPATAY KO EH!"

Highblood na po sya, haha pero seryoso pagkarating nyan halos patayin nya yung pumasok dito at laki ngang pasasalamat nya kasi daw walang nangyari saaming masama lalo na saakin. At dahil dun kilig much naman ako haha ganun eh?

"Huy Joaquin saan ka pupunta?" Napatayo naman kasi bigla syang nagteleport sa may pintuan eh.

"Sa office ng magaling kong dad" sabi nya na hindi na mapintapinta yung itsura. Lagot!

"Chill ka muna kaya Joaquin bago ka pumunta sa office ng daddy mo. Tara 7/11 muna ta--- JOAQUIN!" Wala na sya.  Patay!

Ano ba yan snob nun! Pero lagot kailangan ko pa pala sya sundan baka kung anong rambulan yung mangyari dun.  Hala!  Mas lalo akong pagiinitan yan!  Huhuhu.

"Guys! Maya nalang! Byee!" Paalam ko sakanila sa loob at sumakay na ng tricycle buti nga may nakaparadang tricycle dito eh kahit mayayaman ang mga nakatira dito

"Kuya pwede pong paki bilisan kasi po may hinahabol po .... AKO!!!!!" Lecheng tricycle driver yun!.  Bastusan! Binilisan ba naman ng pabigla. Kutusan ko toh eh!

Pagkababa ko ng tricycle binayaran ko na yung driver tapos sinimangutan ko nalang paano ba naman nakangiti saakin. Close kami? Hayss ang dadami talagang feeler ngayon.. Nagjeep na ako pero jusko! Sabado nga pala ngayon... Uwian.. pero kaya mo yan lyn!

*Tali ng buhok*

"Manong angkas nalang ako, pwede?" Tiningnan ni manong ako from head to foot

"Hindi pwede miss"

"Huh? Bakit naman po? Kaya ko naman po manong sige naaaa"

"Hindi nga pwede. Nakadress po kaya kayo. Gusto nyo pong masilipan?" Sarkastikong sabi ni manong. Napasimangot naman ako sa sinabi nya, nga pala naka soot ako ng dress. Leche!

Napatingin naman ako dun sa dumaan na nagbebenta ng mga jeans,

Sakto!

Tingnan nalang natin kung hindi ako paangkasin netong si manong

*****

"Oh! Manong may jeans na! Pwede na po ba?" Sabi ko at tiningnan naman ni manong yung jeans kong black sa legs ko bigla naman syang tumango at exakto nun ang biglang pagandar ng jeep. Yes!!

Jusko poooo!! Traffic naman!. Aish!

******

Joaquin's POV.

Omg! Yan ba yung anak ng boss natin?

Yeah! Gwapo noh? Swerte siguro yung makakabingwit ng puso nyan

Ano ka ba! Meron na noh! Kaso ang pagkakaalam ko ayaw ni boss dun sa girl

Yeah, so sad. Ako nalang kasi.

Hinayaan ko nalang silang magsayang ng laway kakasalita dun. Aba puro chismisan ang alam.  Psh.

Pumasok na ako sa office ni dad ng padabog.

"Oh son. Napadaan ka? Sige na,  Elen iwan mo muna kami" sabi ni dad sa secretary nya. "So. Pumunta ka ba dito para libutin muna yung buong building na balang araw ay magiging iy--"

"LECHE! wag na nga tayo magmangmangan dito. Ngayon sabihin mo nga saakin, Bakit pinagbantaan mo yung papa ni Lyn?!" Sabi ko pero ngumisi lang sya.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon