Kinabukasan
UWAHHH!!!
"Joaquin naman kasi! Bakit ka kasi nagpahuli dun!!" Padabog kong sabi kay Joaquin. Andito kami ngayon sa kwarto ko,tambay tambay lang
Bwiset nga eh! Si Marion yung pinapili nila at kaloka yung pinakamasarap at pinakamahal na restaurant dito ang pinili nya !, ininvite pa nila sila Aaron, Ira, Shan at Mia huhu. Kabwiset!
"Sorry na, bebs. Gusto ko lang naman malaman kung gaano mo ako kamahal eh" sabi nya habang nakabackhug saakin
"Psh! Mahalin mo yang sarili mo" sabi ko.
Nagtatampo parin ako sakanya, di ba halata?
"Ayaw! mas mahal kita kaysa sa sarili ko"
Napangiti naman ako dun sa sinabi nya. Ayiee kakilig much pero magpapaka pabebe muna ako hehe
"Hmp, Ohsya! Baka tumindi yung sikat ng araw dahil dyan sa---"
"Sa hotness ko" sabi nya sabay wink.
Aba't ang K-A-P-A-L ha!
"Sa MATITINDI MONG KACORNIHAN AT JOKES! Dun ka na nga" this time pinaalis ko na sya sa kwarto ko, hindi ko naman sya invite na pumasok dito sa kwarto ko eh
"Hahaha kiss muna"
"Ayan dyan ka magaling eh" sabi ko at ngumiti ng pilit
"Dali na" sabi nya ng nakapout na. Parang timang lang. Psh.
Nilapitan ko sya ng nakasmirk at...
"Arayyy!!!!!!" Sigaw nya parang bakla lang ang peg ni Joaquin hahaha, yung ibang katulong dito sa bahay nagsilabasan akala kung anong nangyayari
Sa lakas ba naman ng tili ni Joaquin malamang sa malamang abot kabiglang barangay na
"Babye!" Sweeet na sabi ko pagkatapos kong ilock yung pinto. Mahirap na baka pasukin pa ako nun at gumanti haha
"EVANGELINE! BUKSAN MO TONG PINTO KUNDI MALALAGOT KA SAAKIN!" Pangbubulabog ni Joaquin sa labas haha
Ano ako tanga para maniwalang pag hindi ko yan binuksan malalagot ako sakanya? Haha no way baka mas matindi pa yung gagawin nya pagbinuksan ko yan
Joaquin's POV. (Sa may dalampasigan)
Grabe.Ayaw buksan nitong si Lyn yung pintuan nya. Hiningi ko yung duplicate key ng room nya at putcha ayaw nilang ibigay baka daw masisante sila
Nakakainis! Naisahan nanaman ako nun, akala ko ikikiss nya ako yun pala arghhh!!!
"Oh pare! Ano nangyari at mukhang asa outer space yang mukha mo!" Sabi ni Drake
"Manahimik ka nga Drake" sabi ko at hinimas himas yung tenga ko na hinatak ni Lyn kanina. Ang sakit feeling ko talaga kanina mawawala na toh. Argh!
"Woah! Kinilig ka dun pare? Namumula tenga mo hahah" sabi naman ni Rein.
Tinitigan ko nalang sya ng masama at tinapat sakanya ang middle finger ko, at ang loko! Tumawa pa.
"Love you too!"
Tss suko na ako! Pati tong si Rein nadadamay na sa kalokohan nila Drake at Kiddo. Ganyan ba talaga pag single ka? Hays.
"Hahahaha loko ka Rein, baka mamaya hindi kiss ang matanggap mo dyan kundi suntok hahaha" sabi ni Kiddo na tawa ng tawa, nakisali na rin yung iba. Hay mga kaibigan nga naman
"Pero seryoso bro? Bakit namumula yang tenga mo?" Tanong ni Charles. As always sya nanaman ang matinong kausap dito.
"Si Lyn kasi--"
"Omygod! Kinagat ni Lyn yan sa kwarto?! Sabihin mo nga! May nag---" bago pa man makatapos ng salita tong si Drake ay binatukan ko na sya.
"G*go! Hindi! Kahit kailan talaga ang libog mo noh!. Piningot lang ako ni Lyn yun lang!" Sabi ko at 'ahh' nalang sila.
Mas sumasakit pa yung ulo ko kesa sa tenga ko dahil sakanila eh.
"Kahit kailangan talaga ang brutal nung si Lyn" sabi ni Gab, yan isa yan sa napagtripan ni Lyn nung una pala kung hindi lang nya alam na kabarkada yan ni Rein dati naku naku tyak wala na yan sa school haha
"Mahal ko naman" agad kong sinabi.
Totoo naman eh pagmahal mo kahit ano pa sya kahit gaano sya kasamang tao sa paningin ng iba sa paningin mo mabait sya at sya ang perfect na tao na mamakasama mo habang buhay
"Tama ka nga! Parehas naman kasi kayo ng ugali eh hahaha" sabi pa ni Kiddo.
"Kaya nga kami MEANT TO BE. Diba?!"
"Haluuu naniniwala ka na pala dyan sa meant to be meant to be na yan ha! The last time I heard that nung kayo pa ni Lyn eh" pangaasar ni Kiddo saakin. At inempesize pa talaga yung pangalan na yun.
O.o
Tiningan ko lang sya ng masama and I mouted the fvck you word at ayun tumawa pa.
"Tara na nga sunduin na natin yung mga girls baka kung ano na ang nangyari dun eh" sabi ni Charles at naglakad na kaming lahat papunta sa mansion.
Grabe kung alam nyo lang kung gaano kalayo ang bahay ng pamilya nila Lyn sa dagat, super layo! Kaya nga andito kami agad eh
"Ang layo talaga nito sa dagat noh?" Sarcastic na sabi ni Rein kaya napatawa nalang kami lahat
"AAAHHHH!!!!"
Pagkapasok sa bahay agad naman may narinig kaming sigaw
SLAAP BLAG
May narinig din kaming pagkalabog ng pintuan
Dali dali kaming umakyat papunta dun sa kwarto ni bebs kasi dun nagmumula yung sigaw pero bubuksan na sana namin yung pinto pero nakalock. Mababakla ata ako neto sa sobrang kaba! Ano ba kasing nangyayari?!
"NOOOOO. N.O. AHHHH! NO NO NO"
Teka si Lyn yun ah!
Hala!!! Anong nangyayari?!
"HOY! Torture na toh!!! Tama na!!!" Sigaw pa ni Lyn. Susuntukin ko na sana yung pinto pero may pumigil saakin at yun yung si Rein
"Bro mamaya pag narinig nila na may kumatok mas lalong mapapahamak si Lyn, try to listen first" sabi ni Rein.
Tama tama pero hindi kaya ng konsensya ko na may mangyari ng masama kay Lyn na wala akong magawa kundi makinig lang at maghintay.
"Aghhhh!!! Okay okay!.... Ehhh! Ayoko!...... AHHH! DON'T YOU DARE!" narinig ko pang sabi ni Lyn na parang may kausap. Hindi namin naririnig yung sinasabi ng kausap nya, lakas ng sigaw ni lyn.
Nararamdaman ko na yung pagiyak ko. Ano na kayang mangyayari?! Huhuhu
Lahat ng isang tenga namin nakadikit sa pinto kaya pag binuksan toh tyak ako hulog kaming lahat
"Wala na akong naririnig" bulong ni Charles at mas lalo pa naming dinikit yung sarili sa pinto
"Teka teka ayan may naririnig na ako... Teka parang... "
"WAAAAAAHHHH!!"
Sabay sabay kaming sumigaw. Sabay sabay din kaming nahulog
Aba squad goals na ituhh! Huhuhu
"Pucha alis! Hulaan ko yung naririnig mo kanina Gab. Yun ba yung pagunlock ng pintuan?" Sabi ni Rein na asa pinakaibaba
"Hehe"
"Arayyy.. Ahh! Huy! Maawa naman kayo saamin sa baba. Hindi kayo magaan, alam nyo yun?" Sabi ni Kiddo na pinipilit na makatayo
"Aray!! Sh*t" sabi ko eh ikaw ba naman daganan ng mga malulusog mong kaibigan matutuwa ka pa?
Magulat ka nalang kung natuwa ka pa sa kalagayan na yun huhu. Feeling ko tuloy karga karga ko ang isang kabinet na may lahat ng mga damit sa bigat nila
"And what do you think you're doing?"
BINABASA MO ANG
Destiny
RomanceEvil meets Bad. May nakilala Na Ba kayong kaugali Nyo rin? Diba pag Meron, magkakasundo kayo then bestfriends then lovers,pero paano kung yung mismong kaugali mo, Eh kaaway mo? Ayaw mo? Edi parang Ayaw mo Na rin sa sarili mo? Haha, funny right?, paa...