Joaquin's POV.
"Ang hirap ng exam, kayo ba nakapagexam na kayo sa physics?"
Hawak hawak ko lang ang libro ko sa physics pero hindi ako nagbabasa bukod sa tinatamad ako,wala akong gana.
Paano ako magkakaroon ng gana eh kahit saan ako tumingin parang nilalanggam sila na hindi mo maintindihan. Hay putspa namang buhay toh oh!
Asaan na ba yung mga kasapi kong single huh! Bakit ako lang andito?! Psh iwan ba naman ako!
"Joaquin!" Tawag saakin ni Cass.
"ANO?!" Yan tuloy napasigaw ako kasi naman nangaalog eh kita na ngang nagcoconcetrate ako dito eh.
"Ang sabi ko kung nakapagexam na ba kayo sa physics?" Tanong nya ng paarte
"Hindi pa. Atsaka wala akong maintindihan sa lesson" sabi ko at bumalik ulit sa pagbabasa
Quantum mechanics is the science of a very small body of the scientific principles that explains the behaviour of matter and its interaction with energy on the scale of atoms and subatomic partcles.
ANO DAW?! Hirap naman oh!
May bigla namang umupo sa tabi ko at parang walang pakealam dahil hindi nya man lang ako tinignan, actually wala man syang tinignan basta deretso kain nalang sya.
Tinitigan ko lang sya ng mga ilang segundo pero natauhan din naman ako
Aish Bakit toh andito diba busy toh dun sa kalandian nyang si Francis?. Iniistorbo nya ako, alam nya ba yun? Psh.
Balik sa pagaaral!
Tinignan ko lang yung book
Pero wala eh. Hanggang tingin lang talaga. Sana talaga gumana yung pictorial vision ko mamaya huhuhuhu
"HAISH!"
"Ano ba yan?" Sabi ni Lyn sabay subo ng pagkain tapos inagaw bigla yung libro ko
"Bastos! Ano bang problema mo?!" Leche. Porket first section.
"Madali lang yan" sumubo muna sya tsaka kumuha sya ng ballpen at sinimulan na nya akong turuan.
Aba! Aba! May talent pala ito sa pagtuturo nuks naman pero bakit sobrang seryoso ata ang atmosphere ngayon as in hindi katulad dati na sinasabayan pa namin ng harot ngayon, seryoso na.
Syempre Joaquin, dati kayo pa ngayon wala na.
At dahil hindi ko rin naman gets yung mga pinagsasabi nya.
Tinitigan ko lang sya habang nagtuturo, shet ganda nya kahit na mas marami rin naman mas maganda sakanya pero sya kahit anong itusra nya wala syang pake,
Kahit hindi nakaayos ang mga buhok nya wala syang pake,
Kahit buong araw sya nasa initan wala syang pake,
Kahit lahat ng tao ayaw sa ugali nya wala syang pake basta sya nagpapakatotoo lang sya yun yung Lyn na kilala ko.
Yun yung Lyn na mahal na mahal ko
Ibang iba sa Lyn na minahal ko DATI aaminin ko pinagdarasal ko na sana hindi sya yung Lyn na nangiwan saakin dati pero hindi talaga eh kamukhang kamukha nya iba nga lang yung ugali
"Hoy Joaquin! Concentrate nga! Babagsak ka nyan eh" sabi nya sabay hampas saakin napaayos tuloy ako ng upo.
"Nagcoconcentrate nga ako"
"Atsuuu nagconcentrate nga! Perfect mo na yan idol! Kung tungkol kay Lyn nga lang yung itetest mo!" Pangaasar na sabi ni Marion
"Every detail on your face minememorize nya" sabi pa ni Cass at nakipag apir kay Marion.
BINABASA MO ANG
Destiny
RomansEvil meets Bad. May nakilala Na Ba kayong kaugali Nyo rin? Diba pag Meron, magkakasundo kayo then bestfriends then lovers,pero paano kung yung mismong kaugali mo, Eh kaaway mo? Ayaw mo? Edi parang Ayaw mo Na rin sa sarili mo? Haha, funny right?, paa...