Lyn's POV.
Arghh! Badtrip na umaga! Kasi naman tong si Francis hindi pumasok eh baka ngayon sabihin ni Joaquin yung gusto nyang prize. Wala akong resbak huhu
"Huy Lyn"
"AHHH!!" Grabe kaumaumaga nangugulat itong si Rein. Tapos nakangiti pa,mygod pero ang cute nya pag ngumiti mukha syang koreano. Tengena hahaha walang mata.
"Hi" sabi nya at kumaway. Kaya lang sumosobra nagmumukha nang ewan pero cute parin hahaa "Bakit ka badtrip?"
"Si Francis kasi hindi pumasok"
"Fancis the friend or francis na pinsan ni Joaquin?" Tanong nya. Ay oo nga pala dalawa yung Francis na kilala ko
Nakita ko si Joaquin sa likod nya. Okay panibagong plano si Rein na ngayon ang back up ko
"Rein! Tara na pasok na tayo!" Sabi ko sabay higit kay Rein papasok sa loob ng school.
Andito na kami sa may upuan sa tabi ng field. Hay ang presko rito!
"Oh" sabi ni Rein at binigay saakin ang isang ice cream na binili nya pa sa canteen.
Para lang kaming asa park,hala! Baka mapagkamalan kaming magshota! Putspa kaya pala panay ang tingin saamin ng mga tao
"Ah Rein?" Sabi ko ng medyo na niilang sya nakaakbay pa saakin parang feel na feel nya
"Ano?"
"Hindi ka ba naiilang? Nakatingin na saatin yung mga tao oh" sabi ko at tinuro silang lahat. Tumawa lang sya at tinitigan ako
"Inggit lang ang mga yan" chill na sabi nya sabay dila dun sa ice cream
"Baka magkaroon ng issue" pananakot ko sakanya
"So be it. Alam naman natin ang totoo, don't tell me gusto mong magkatotoo yung iniisip nila?" Pangaasar na tanong nya.
Ayy! Shete sabi na nga ba may iniisip na kakaiba etong lalaking toh eh
"Alam mong kaya kitang sapakin kahit bestfriend pa kita!"
"Baka lang naman gusto mo" sabi nya ng hindi nakatingin saakin pero nakasmirk naman
Hayo, tignan mo sya oh. Taas ng self-esteem. Hindi ko mareach
Binatukan ko nga at umalis na
"Aray! Tignan mo toh. Kahit kailan hindi mabiro! HOY BABAITA!"
Pupunta na sana sa classroom ng nakita ko sila Joaquin at Gizel magkasama.
That breaks my heart.
Oh shit, english na yan tsk tsk tsk hahaha
Babaero talaga tong si Joaquin hindi na nakontento saakin,pinagpalit ako dun sa babaeng kasama nya sa bahay nya last time now this?! Sinong next?!
"Rein!!! Hoy! Ikaw bakit andyan ka pa? Diba sabi mo gusto mo ako kasabay?! Tara na"
Bumalik ako para hilain si Rein at kinapit ko yung kamay ko sa braso nya like Gizel's is doing right now.
"Hoy, ang creepy mo na. Tigil tigilan mo nga-----AWwww" sabi nya pero agad ko naman sya kinurot at tinignan ng masama. Napatingin naman sya sa paligid at huminga ng malalim "Sabi ko nga. Gustong gusto ko kasabay ang bestfriend ko" sabi nya habang nakangiti ng pilit at pinagigilan yung pisngi ko.
Aray! Ang sakit ah!
Dumaan kami kila Joaquin kaya mas lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak ko sakanya
"May problema ba kayo ni Joaquin?" tanong nya at ako naman umiling nalang sabay ngiti ng pilit
*****
Marion's POV.
BINABASA MO ANG
Destiny
RomanceEvil meets Bad. May nakilala Na Ba kayong kaugali Nyo rin? Diba pag Meron, magkakasundo kayo then bestfriends then lovers,pero paano kung yung mismong kaugali mo, Eh kaaway mo? Ayaw mo? Edi parang Ayaw mo Na rin sa sarili mo? Haha, funny right?, paa...