"Padalang na lang ng padalang ang pagpasok mo sa school ah. Busy ang peg," saad ni Angeline habang nasa corridor kami at naghihintay para sa parade. Simula ba naman kasi ng intrams ng seniorhigh ngayong araw. The campus is sure loud af. Buti na lang kahit papaano ay nakakuha kami ng location na hindi masyadong dinig ang ingay.I crossed my arms and roll my eyes. "Wala nga dapat akong balak pumunta ngayon kung hindi mo lang ako binungangaan na pumasok. Mas gusto ko pang matulog para makapagrecharge man lang."
"Aba kailangan naman kasi. Ako naman ang bubungangaan ni ma'am Desamero kung hindi ka pumunta. May mga huling habilin ata sa'yo bago ang performance mo mamaya."
"As if it'll make a difference. Baka nga mas may alam pa ako sa kanya tungkol sa pagkanta."
"Ang yabang ah. Porque't ang dami mong vocal coach sa agency niyo."
"And they're the best. Aba ang hirap kaya ng vocal training na pinagdadaanan namin. Swerte nga ang GAS at pumayag ako sa contest na 'to eh."
"Grabe ang confidence mo, girl. Hindi ko mareach," aniya. "Pero ano nga ang kakantahin mo? Mala-Celine Dion ba? Mariah Carey?"
I shook my head. "People nowadays only value high notes."
"So walang biritang magaganap?" she asked, a bit dazed.
"Maririnig mo rin naman. Why do you keep on asking me?"
"Aba para alam ko kung ano ang i-expect ko."
"Life is full of surprises, don't you think?"
"Grabe. Pa-quote-quote ka na lang ah. Iba pala talaga epekto kapag malapit ng maging idol."
"Tumahimik ka nga't baka may makarinig sa'yo."
"Ano naman? At least I am a one proud friend."
"Hindi pa kaya ni-re-release sa public ang lineup kaya technically I am still under probation."
"Nasaan na napunta ang confidence natin diyan at parang bigla atang nawawala?"
"Of course I am confident with my talent and skills but we should not remove all the possibility. We don't know what will happen next in the future kaya it is better na handa sa kung anumang mangyari. Sa pagkakataong 'yon, baka mas madali na ang acceptance."
Just like how I am not expecting my mother's death and the sudden arrival of the two persons I hate the most. Kahit ilang beses ko pang i-deny at huwag tanggapin ang reality ay hindi na no'n mababago kasalukuyan at maibabalik ang nakaraan. All I could do is to hope for a better future for me. And it includes me, achieving my dreams. At ang mangyayari mamaya ay ang bagong simula ko para makapag-let go na nang tuluyan.
Her sudden disappearance still hurts to the core. But I guess, it is time to finally move forward. I'll use it as an inspiration rather than dwelling in it more.
"Hija, pwede mo bang kantahin sa akin ang kakantahin mo mamaya? Noong isang araw ko pa sana gustong marinig ang piece mo pero madalas ka namang absent," aniya nang nakangiti. Kahit pa man gano'n ay alam kong nagtitimpi lang siya sa akin. Well most of my teachers do the same kaya hindi naman iyon bago sa akin. There are ones who make subtle signals and there are also ones who are vocal about it. As if naman I cared.
Nagbuntong-hininga ako at sinimulan na ang pagkanta. Kita ko kung gaano siya kaseryoso na para bang i-na-analyze niya ang pagkanta ko. Nang matapos ay hindi naman siya nagkomento agad. I know I did great. Hindi ko nga lang alam kung sapat nga ba iyon para sa kanya. She has high expectations of me that's why.
"Maganda ang kanta at ang delivery mo pero kinakabahan kasi talaga ako para sa mamaya. I'm sure bibirit ang mga kalaban mo."
"That's a big probability because it's a contest. Pero huwag niyo na lang istressin ang sarili niyo. They might do good pero hindi tayo nakakasiguro ng execution nila. Technique is far more better than range alone." I flashed my bright smile to her, not to ease her doubt but because I am confident enough for later's event.
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
Teen FictionAlaina Zahlee Sinfuego is a girl who is often misunderstood by everybody. She lives her life without considering others. All she ever wanted is to pursue her dreams yet she keeps on questioning, why does it seems so far away? She dreamed to be an al...