I wandered my eyes on the entirety of the crisp white walls of the new place I'll be staying for the moment. Kompleto na rin ang furnitures at appliances. I smiled while shaking my head.
I don't know kung dapat ba akong maging masaya dahil kaonti na lang ang dapat kong bilhin at asikasuhin dito sa penthouse o maasar dahil mukhang matagal na pala talaga ako ni daddy na gustong paalisin. Ibinigay na ata lahat sa akin sa lugar na ito para hindi ko na isipan mang bumalik sa mansion. Mabuti na lang at maganda at extravagant naman ang kinuhang place kaya hindi naman ako lugi. Aba dapat lang. Itinira niya sa bahay ang querida niya at ang bastarda niyang anak. I know I deserve better than this but what can I do?
It is a two-storey penthouse that has a sleek and modern design with white as the base color. Yet honestly, this place is too boring for my liking. Maganda man pero hindi pasok sa personal preference ko. Hayaan mo na nga't hindi naman ako magtatagal dito. Maybe I should look at the bright side, At least hindi ko na araw-araw makikita ang pagmumukha ng bruhildang mag-ina. Wala akong Sheila at Kristina na sisira ng araw ko kahit saan man ako magtungo. Nakakainis pa nga kung paano ngumisi ang mag-ina kanina nang paalis na ako sa mansyon. Their smiles are too wide as if mocking me but it immediately shifted to empathetic one when daddy looked at them. Ang gagaling talagang artista ah.
Magsaya na sila ngayon dahil hindi nila ako maalis sa buhay nila forever. They thought they already won, well, I'm sorry to say but I won't let that to happen. That place is owned by my mom and her alone. Ang mga basurang katulad nila ay hindi nababagay sa palasyong pag-aari ko at ng sarili kong ina. Even my dad doesn't deserve that mansion or any riches he is enjoying right now. Kung wala naman si mommy ay nobody din naman siya eh.
My heels echoed on the place as I move my way towards the glass wall. Kita ko kung gaano ka-busy ang siyudad dito. I bet the view will be more alluring to see during night. Hindi ko na namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko roon at kung hindi pa tumunog ang phone ko ay baka maya-maya pa ako umalis.
As soon as I received the call from Lumina to go to the agency, I freshened up a bit and immediately went there without hesitation. My heart is beating erratically for I can feel that there is big news awaiting for us. Sana heto na 'yon. Sana hindi ako biguin ng gut feel ko.
Pagdating ko sa meeting room ay nadatnan ko na roon ang apat kong kasamahan at ang aming head voice mentor na si ate Nina. It looks like nagkwekwentuhan pa sila. I sat next to Lily for it is the most feasible place for me to occupy.
"Sa tingin ko ay may hinuha na kayo kung bakit ko kayo kinakausap ngayon," ate Nina said while smiling at us. We nodded in return.
"Alam ko rin na ilang beses na naantala ang debut ng new girl group ng agency dahil sa iba't ibang factors. Paiba-iba rin ang gustong concept ng management kaya gano'n. Ang huling plano noon ay isang girl crush group, but looking at the competition right now, naisipan nilang palitan 'yon. The industry is filled with groups who does girl crush concept and they wanted something fresh. Cute concept is also overrated."
We are only intently listening to her as she explained it to us so well. Yet despite the calm aura that I am exuding right now is me screaming internally.
Heto na talaga 'yon!
Malapit na ako sa stepping stone ng pangarap ko!
"You'll focus more on moving gracefully. Elegant concept ang gusto ng management na ibigay sa inyo. For the meantime ay i-fo-focus na muna ang dance training niyo roon. Regarding naman sa position alam kong may guess na kayo base sa iba't ibang level of training na ibinibigay sa inyo."
She then looked at Lumina. "You'll be the leader and main dancer. You are doing good for leading them while you're still trainees, sana hanggang sa maging isang grupo na kayo nang tuluyan ay mapanindigan mo pa rin ang responsibilities mo."
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
TeenfikceAlaina Zahlee Sinfuego is a girl who is often misunderstood by everybody. She lives her life without considering others. All she ever wanted is to pursue her dreams yet she keeps on questioning, why does it seems so far away? She dreamed to be an al...