Twenty-Eighth Dream

78 6 0
                                    

It has been months since I last stepped in the campus grounds. May mangilan-ngilan pang nagpapapicture sa akin lalo na ang mga outsiders ng school.

"Girl. Buti naman at dumating ka. Akala ko pati sa graduation rites ay iindianin mo kami." Angeline ran towards me.

"Pwede ba naman 'yon? We've waited for so long to leave this hellish place, 'no?"

"Hellish ka diyan. Dito mo nga nakilala ang one true love mo," she said while slightly bumping her shoulders to mine.

Napailing na lamang ako habang nakangiti dahil totoo naman talaga ang sinabi niya. I may have cursed this school to death but meeting Aisle was the best thing that happened to me.

"Uy kinikilig siya. Hindi ka na makapaghintay na makita si prince charming, 'no?"

"Nasaan na kaya siya? Ang sabi niya papunta na raw siya," sabi ko habang pinalinga-linga ko pa ang mga mata dahil baka sakaling makita ko na si Aisle.

"Bakit kasi hindi na lang kayo nagsabay? Magkasama naman kayong nakatira sa iisang building ah."

"Pinauna na niya ako para wala raw makahalata."

"Ang hirap naman kasi ng situation niyo. Daig niyo pa si Romeo and Juliet sa pagtatago niyo ng relationship niyo."

I continued on wandering my eyes dahil baka sakaling makita ko na siya. Tiningnan ko rin ang phone ko at baka may text o call siya sa akin pero wala rin naman.

Nasaan na kaya 'yong lalakeng 'yon?

"Oh. My. Gosh. Kurutin mo nga at baka namamalik-mata lang ako."

Curious on her sudden expression, napatingin ako sa tinitingnan niya at doon ko nakita si Mark na nakangiting naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. Marami nga lang ang humaharang sa kanya upang magpapicture na siyang pinagbigyan niya naman. I can even hear the squeals of some people because of his sudden appearance in the school.

"Sinabihan mo siya?"

I looked at Angeline. "Of course not. Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Nagkibit-balikat naman siya at hindi na nagsalita.

"Ano bang pumasok sa kokorte ni Mark at nagpunta pa siya rito?" I whispered to myself.

"Wala ka nang magagawa, girl. Ayan na kaya siya. Alangan namang paalisin mo. Nag-effort pa naman 'yong tao na puntahan ka. Be appreciative na lang kaya."

"I didn't tell him to do that," I said, slightly annoyed.

"Kahit na. Show some acts of gratitude and appreciation man lang. Ayus-ayusin mo 'yang ugali mo ah at maraming mata ang nakakakita."

"Hi, Alee. Buti nabanggit sa akin ni Rhea na ngayon ang graduation mo kaya nakapunta ako."

I forced myself to smile. "Ah... Gano'n ba."

"Ano? E-exit na ko," Angeline whispered to me.

I forcefully grabbed her arm and whispered while I am still smiling. "Dito ka lang."

"May problema ba?"

"Ha? Ah. Wala. Siya nga pala Mark, si Angeline. Angeline alam ko naman na kilala mo na siya."

"Aba't oo naman. Halos lagi ko kayang nakikita ang mukha niya sa TV at tabloids."

"Nice meeting you, Angeline." Mark extended his hand. Agad din namang iyong tinanggap ng kaibigan ko.

My eyes sparkle when I saw Aisle walking, his eyes are scanning the area, probably looking for me. Pupuntahan ko na sana siya't tatawagin nang naramdaman ko ang kamay ni Angeline sa braso ko.

Chasing DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon