Thirty-Ninth Dream

98 5 0
                                    

Nag-aayos ako ng schedule ko nang dumating si Aisle. I couldn't entertain him that well kaya hinayaan niya na rin lang naman ako sa ginagawa. Aniya ay may sasabihin lang siya sa akin. I have been waiting for him to tell it to me since earlier but he isn't doing so. He is only watching me. I can say that it is making me uncomfortable for a sec. Hindi naman na kami kaya dapat ay hindi na niya iyon ginagawa pero imbis na punahin siya ay pinabayaan ko na lamang.

Thirty minutes na rin ang nakalipas nang mapagpasyahan niya nang magsalita.

"Alaina, I think it is about time that you need to face your parents again. Lalong-lalo na ang mommy mo."

Napabaling ako sa kanya at nakita ko ang nanghihimok niyang mga mata.

"Siguro tama si Kristina, kailangan mong subukang palayain na ang sarili mo sa nakaraan. It is just tying you to that painful past of yours. Hindi ka makakausad kung hindi mo susubukan."

I stood up and faced him, bewildered. "Of all people, hindi ko inaasahan na sa'yo ko maririnig ang mga bagay na 'yan."

"Alaina..."

"Look, Aisle. Hindi porque't maayos na kayo ng tatay mo at nagawa mo na siyang patawarin ay kailangan gano'n din ang gawin ko. We are two different individuals and we have different ways of facing our own nightmares. Hindi ako kasingbait at kasing understanding mo na kaya na lang makalimot ng basta-basta."

"I am not saying that you need to forget. Ang akin lang ay kailangan mong matutong magpatawad. Bakit ba hirap na hirap kang gawin 'yon?"

"Because the pain that they'd cause me is unforgivable," I said, proving my point. "At si Kristina? Handa ka pa talagang tulungan siya pagkatapos ng lahat-lahat na nangyari. I'd never expect you to be a martyr like this."

"And you're really thinking that I am doing this for her, huh?"

Instead of talking, I just looked away.

Ano naman ngayon kung gusto niyang tulungan si Kristina? Sino ba naman ako para pigilan siya sa gusto niyang gawin?

Right. Tungkol nga pala sa akin ang tulong na hinihingi ng magaling kong kapatid. Or should I say, kakambal. Of course I have something to do with this.

"Hindi kita maintindihan. Why do you keep on pushing people away? 'Yan ba ang depinisyon mo ng happiness? Ng success? Dahil sa totoo lang, hirap na hirap na akong kapain ka."

My eyes suddenly widen because of what he said.

Hindi ko naisip na masasabi niya ang mga bagay na iyon sa akin. Pero ano pa ba ang ikinatataka ko? I hurted him several times before. Siya ang laging nagpapasensya sa aming dalawa. Siya ang laging umuunawa. Hindi nakakapagtaka na darating ang araw na mapapagod din siyang intindihin ako.

I thought not being understood is the most painful thing. Hindi pala.

Mas masakit pala ang marinig na may taong pagod nang intindihin ako. I admit, my beliefs are somewhat twisted and my attitude is oftentimes unbearable. Pero ang marinig na pagod na ang taong pinakamamahal ko ay parang punyal na tumurok sa akin.

His words shouldn't affect me.

But...

But I still can't help it.

"Hindi ko naman hiningi na magstay ka sa buhay ko. You're always free to leave whenever you want. Wala naman ng nag-uugnay sa ating dalawa, di ba?" I said, trying hard not to break down in tears.

Not in front of him. Please.

"Alam ko pero sinubukan ko pa rin. Hindi ko naman inaasahan na pati ang simpleng opinyon ko ay mamasamain mo."

Chasing DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon