"The management is furious nang malaman nilang nagpapresscon ka without their permission. Handa na nga silang pagalitan ka eh. Buti na lang talaga at may maganda rin naman palang naidulot 'yan na katigasan ng ulo mo kaya hinayaan na lang nila na ako ang mangaral sa'yo. But still, Alee. Kahit na ganoon ay dapat marunong kang makinig at sumunod. Paano na lang kung it turned the other way around? Saan na pupulutin ang career mo? Worse, most likely pati ang mga kagrupo mo ay damay." Ma'am Joan keep on blabbering things but my mind couldn't comprehend a thing.It keeps on coming back to the revelation of my own identity. Paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko ang mga sinasabi nila. That no matter how I tried to brush it off, it wouldn't leave my mind.
Hindi ko maintindihan.
Paano niya nagawang gawin sa akin 'to?
Gosh. Why am I so denial about it? Hindi naman dapat ako nagtaka, di ba?
Of course I do know. Hindi ko lang talaga matanggap. Hindi ko matanggap na kaya nilang paglihiman at pagsinungalingan ako lalong-lalo na si mommy. It makes sense kung bakit kitang-kita ko ang awa sa mga mata ni manang Erah everytime she looks at me pero kahit na ganoon ay malayo pa rin ang loob niya sa akin. The guilt must have been eating her alive.
Then what about my mom? Ni hindi man lang ba siya naawa sa akin? Did she ever love me at least, especially that I am not from her own blood and flesh? Kung oo, bakit hindi ko naramdaman?
"Hello, Alee. May kausap ba ko? O hangin lang ang kasama ko?"
"I'm sorry po. May iniisip lang ako."
"Kung ganoon ay bakit ka nandirito kung hindi ka rin naman pala makikinig sa akin?" tanong niya nang nakataas ang kilay.
I just wanted a different environment. I don't want to be alone.
Ayokong isipin pa ang nangyari pero hindi ko talaga mapigilan. Alam ko naman na hindi umiikot ang mundo sa akin at hindi rin ito titigil dahil lang sa pinagdadaanan ko. I just want them to at least be sensitive and considerate to me kahit ngayon lang.
"Ma'am Joan, ako na lang po ang kakausap kay Alee," presinta ni Lumina nang makapasok siya.
"You better be at mukhang hindi naman nakikinig sa akin ang batang 'yan. Napakatigas ng ulo."
"Opo. Ako na ang bahala," she said before she sat in front of me.
"Alee."
Napatingin ako sa kanya. "Si ma'am Joan?"
"Kalalabas lang. Ako na raw ang kumausap sa'yo."
Tumango ako at hindi na nagsalita.
She held my hand and looked at me with her sincere eyes. "I'm sorry. I'm sorry at nagkaroon tayo ng alitan. I'm sorry kung hindi ka namin nadamayan sa panahong kailangan mo kami. Alam namin na tayo dapat ang nagtutulungan at nagdadamayan, pero sa kinaharap mong issues ay pakiramdam ko ay napabayaan ka namin. We are so worried of our group's future that we forget you are hurting yourself."
"Wala naman na 'yon sa akin." I tried to smile but I really couldn't.
Hindi ko talaga kaya ngayon.
"Sorry talaga. Kung gusto mo ay kumain tayo sa labas. Tayong apat. I'm sure Lily and Annaliese would love that idea. Miss na miss ka na kaya nila, lalo na ni Lily," she said smiling to me, wanting to let me feel comfortable with her again. 'Yon nga lang, today is really not a good timing. Mukhang mali pa nga ata ang pagpunta ko rito. Hindi rin naman nawaksi sa isip ko ang nangyari.
"Kayo na lang."
"Pero Alee..." she said, tightening her hold in my hand.
"Pasensya ka na pero wala talaga ako sa mood ngayon."
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
Novela JuvenilAlaina Zahlee Sinfuego is a girl who is often misunderstood by everybody. She lives her life without considering others. All she ever wanted is to pursue her dreams yet she keeps on questioning, why does it seems so far away? She dreamed to be an al...