---"Sino?" The first word that came out of my mouth when he said that.
Napailing naman ito at napabuntong hininga. Hindi na nagsalita kaya napaangat ang kilay ko.
"Sino nga, Aziel?" Pangungulit ko.
Wag niyang sabihing hindi niya sasabihin sakin?! After opening that to me earlier! Macucurious lang ako.
"Secret." Nang aasar na sabi nito kaya tinignan ko siya ng masama.
"Aziel!" Pamimilit ko pa kaya natawa ito.
"Wag mo na alamin. Shh ka lang." Sabi nitong natatawa kaya napatitig ako sa kanya.
Sino kaya? Wala naman akong ibang nakikita na nakakasama niyang babae maliban samin ni Amara. Siguro kablockmate namin? For sure lagi niya nakikita yan eh or nakakausap kaya nagustuhan. Kasi kung at first glance lang, baka crush pa ang sabihin niya.
Pero parang ang pang bata naman ng word na crush. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.
"Manhid yon," sabi nito kaya mas lalong napakunot ang noo ko. Nagtataka na talaga ng sobra.
"Sino kasi?" Pamimilit ko pa. Ni di ko na nga mapatuloy ang pagkain ko dahil di ko mapigilan isipin kung sino.
"Manhid nga Ellie." Natatawang sabi nito kaya tinignan ko siya ng masama.
"Pangalan kasi ang sabihin mo. Pake ko kung manhid siya." Mataray na sabi ko kaya mas natawa siya.
"Next time." Sabi niya.
"Paputol putol!" Maktol ko kaya ngayon ay di na siya matigil sa kakatawa.
"Kumain ka na." Sabi niya at inginuso pa ang pagkain ko. Napairap nalang ako dito, mukhang wala siyang planong sabihin!
Pinanliitan ko siya ng mata. Malalaman ko rin yan! Gusto ko sanang tanungin ang iba kaya lang baka hindi naman nila alam iyon. Tapos baka sikreto lang ni Aziel, ako pa ang bumuking. Ayaw ko naman siyang pangunahan.
"You're gonna play soccer na diba? With Drake." I asked.
Pinagsawalang bahala ko nalang yung tungkol sa sinabi niya kanina at nagtanong tungkol sa soccer nila ni Drake. May nakita kasi akong bata na nasipa sipa ng bola sa labas.
"Hmm, yeah. A year training here is already enough." Sabi nito at tinignan pa ako.
"This upcoming semester? Or next?"
"It's not yet final, El. Basta before Christmas break yan." Sabi niya kaya napa tango tango ako.
Nang matapos kami kumain ay umuwi na kami. Inayos namin ang mga pinamili bago pumasok sa kanya kanyang kwarto at nagbihis.
Nang makalabas ako ay nandoon na siya sa kusina. Nagluluto. Naupo nalang ako sa may upuan sa countertop at tumingin sa kanya. Tapos na rin naman siya sa mga sangkap kaya wala na kong maitutulong.
"Ellie, your eyes, nakaka pressure talaga." Sabi nito kaya napairap ako.
"Di ka naman inaano ng mata ko."
"Inaano?" Pang aasar niya.
"Funny ka." Sarcastic kong sabi kaya napatawa siya. "Uuwi na daw bukas si Amara."
"Napaaga?" Nagtatakang tanong niya. I'm also observing his reaction, kasi baka si Amara yung gusto niya.
Pero wala namang kakaiba sa reaction niya kaya napabuntong hininga nalang ako. Mukhang hindi si Amara. Ugh, nacucurious tuloy ako. Nakakainis naman si Aziel, di kasi lubos lubos mag share!
BINABASA MO ANG
A Hiraeth Dilemma (T.R.A.V.E.L SERIES # 3)
RomanceEllie Dorothy Keller, someone who's not really interested in relationships, not that she doesn't want to but she can't just think about it. But when Aziel Martin Caddel, her friend for years, confessed to her, what will she do? Will they have a hir...